HABANG excited sa paghahanda si Philippine National Police (PNP) Chief, General Nicolas Torre, mukhang ‘drawing’ na lang ang boxing match nila ni Acting Davao City Mayor Sebastian “Baste” Duterte.
Kung “draw” ang resulta ng bakbakang Pacman vs Barrios, ‘drawing naman ang Torre vs Baste
Hanggang isinusulat ang balitang ito’y hinihintay ang kompirmasyon sa impormasyon na dakong dakong 7:10 ng umaga kahapon, 25 Hulyo 2025 ay lumipad mula sa Davao International Airport sakay ng Scoot Flight TR 369 patungong Singapore si Baste Duterte, kasama ang kaniyang pamilya at staff.
Batay sa nakuhang impormasyon ng National Bureau of Investigation (NBI) mula sa intelligence personnel ng Bureau of Immigration, kompirmadong umalis ng bansa ang nakababatang Duterte kasama ang pamilya at mga tauhan.
Hanggang kahapon, hindi pa nagre-reflect ang official record ng pag-alis ni Duterte dahil 24 oras paglipas bago mailagay sa system ng BI.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com