Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Miguel Bravo Matthew Bravo Mark Lua

Mark, Miguel, at Matthew pinalakpakan  sa 3rd Johhny Litton Awards

MATABIL
ni John Fontanilla

TINILIAN at pinalakpakan ang model-jeweler na si Mark Lua kasama sina Miguel at Matthew Bravo nang rumampa sa katatapos na 3rd Johhny Litton Awards- Johnny Litton Birthday Celebration na ang theme ay base sa pelikulang The Last Emperor na ginanap sa The Grand Hyatt Hotel-Manila kamakailan.

Kasama sa finale na rumampa sina Mark, Miguel, at Mattew. Suot ni Mark ang napakaganda at eleganteng damit na gawa ng celebrity designer na si Nino Dominic Angeles, samantalang suot naman nina Miguel at Matthew ang pak na pak na creation ng isa pang sikat na celebrity designer na si Raymund Saul.

Agaw pansin din at talaga namang kumikinang-kinang ang mga diamonds na suot ng mga ito na nagkakahalaga ng milyones.

Hindi na baguhan sa pagrama sina Mark at Miguel kaya naman minani-mani na lang   habang unang rampa naman ito ni Matthew na pasadong-pasado bilang first timer.

Kasamang rumampa nina Mark, Miguel, at Matthew at talaga namang umagaw ng eksena at standout ang Fairy God Mother ng Ka-Fam na si Ms Cecille Bravo na umani rin ng  malakas na hiyawan at palakpakan suot ang creation ng sikat na designer na si Raymund.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Andrea Gutierrez Isha Ponti Rey Valera

Andrea at Isha binigyan ng kanta ni Rey Valera 

RATED Rni Rommel Gonzales NGAYONG Sabado ng gabi, December 13, magaganap ang concert nina Andrea Gutierrez at Isha …

Anthony Taberna Roselle Taberna TGC

TGC nagpasalamat sa mga kabahagi nila sa tagumpay

I-FLEXni Jun Nardo LUMAGO na ang Taberna Group of Companies kaya naman mayroon na silang sariling building …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Janna Chuchu

 International Global Achievers Awards 2025 matagumpay

MATABILni John Fontanilla WELL attended ang katatapos na pagbibigay parangal ng International Global Achievers Awards 2025 na ginanap …

Will Ashley

Will Ashley kayang magmahal ng walang hinihintay na kapalit 

MATABILni John Fontanilla GAME na game na sinagot ng isa sa hottest young actor ngayon …