RATED R
ni Rommel Gonzales
PASABOG ang bagong All-Mama P-Pop girl group na MamaMo ng Surf2Sawa (na Prepaid Fiber Internet ng Converge) dahil matindi ang mga miyembro nito. Ang Kapamilya comedienne/host na si Melai Cantiveros at ang original SexBomb girls na sina Rochelle Pangilinan, Cheche Tolentino, Sunshine Garcia, at Jopay Paguia.
Si Melai ay Kapamilya at si Rochelle naman ay Kapuso, tinanong namin ang una kung kumusta katrabaho ang taga-kabilang network?
“Sobrang bait ang Sexbomb, grabe talaga,” bulalas ng Kapamilya comedienne. “Very professional.”
Sa kanilang tarpaulin ay nasa sentro si Melai at napapagitnaan ng apat na Sexbomb girls, natakot at humingi siya ng paumanhin.
“Grabe ang takot ko kasi nga… nanghingi talaga ako ng sorry sa kanila, ‘Patawarin niyo ako ha, na nasa gitna ako.’
“Kasi nga hindi basta-basta ang Sexbomb.
“Sabi nila, ‘Ano ka ba,’ ganyan ganyan.
“Hindi ko alam kung ano ang nakain ng Surf2Sawa bakit iginitna nila ako.
“Siyempre bilang mga, alam niyo ‘yun, sila ‘yung pinaka-idol natin pagdating sa sayawan, na mga OG sa sayaw, mahihiya ka talaga.
“So sino ba ako, bakit nila ako ipagitna? Pero grabe sila ka-kuwan talaga, ‘Okay ‘yun, wala namang problema.
“Sila ate Jopay, si ate Sunshine nagkasama kami sa ‘Banana Split,’ si Ms. Rochelle at siyempre si ate Cheche na matagal ko na kasama rin,” sabi pa ni Melai.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com