Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Marco Sison Rico Puno Hajji Alejandro

Marco itutuloy OPM Hitmakers, Rico at Hajji ‘di papalitan

RATED R
ni Rommel Gonzales

BINUBUO ang The OPM Hitmakers nina Marco Sison, Rey Valera, Nonoy Zuñiga, at nina Rico Puno at Hajji Alejandro.

At dahil pumanaw na sina Rico at Hajji, paano na ang grupo ngayong tatlo na lamang sila? May plano ba sila na kumuha ng kapalit nina Rico at Hajji?

Ayon kay Marco, “Eh ang hirap namang maghanap ng kapalit sa dalawang iyon. Wala na sigurong puwedeng ipalit doon sa dalawa. So, napag-usapan namin na kaming tatlo na lang.

“Itutuloy na lang namin. Maghahanap na lang ng guest na babae one or two. Halimbawa si Pops Fernandez na nakatrabaho na namin.

“Andaming choices, sina Kuh Ledesma, Vina Morales, ZsaZSa Padilla, Lani Misalucha. Napakaraming choices.

“Ganoon na lang, hindi na kami mag-a-add ng isa o dalawang lalaki na puwede naming makasama.”

Kumusta ang pagkakaibigan nina Marco, Rey, at Nonoy? Biro nga ni Marco noong una, mahirap kausap si Rey.

Natawa si Marco bago sumagot, “Sinisiraan din ako niyon eh, kaya ‘pag sinong on-the-spot naninira na rin ako.

“Gumaganti lang ako.

“Ano kami,” pagseseryoso ni Marco, “para na kaming… ano bang tawag sa ganoon? Kahit ano na lang puwede naming pag-usapan, ‘yung pasok dito [kaliwang tenga], labas sa kabilang tenga.

“Wala ng personalan. Hindi na, wala na, nalagpasan na namin ‘yung stage na iyon.

“Kami nga may promise kami sa isa’t isa na kung sino ang mayroong concert, kung sino ang mayroong major concert, mag-a-appear ‘yung dalawa.

“Kung sino man ang sumunod na may concert dapat nandoon ako, at saka ‘yung kung sino iyong isa. Ganoon na lang, wala nang pinag-uusapan na kahit na ano.

“Suportahan lang. Kasi nga kumbaga sa magkakapatid, tatatlo na kami, eh. Namatay na ‘yung panganay, sumunod ‘yung pangalawa.

“So iyan, ganoon na ang mangyayari, support na lang.”  

Guest sina Rey at Nonoy sa Seasons Of OPM concert ni Marco na gaganapin sa July 25, 8:00 p.m., sa The Theater at Solaire sa Parañaque City na guests din ang Concert King na si Martin Nievera at si Vice Ganda.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Lala Sotto MTRCB Warner

Lala Sotto, nakipagpulong sa mga kinatawan ng Disney+, Warner Bros., at HBO

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ANG Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson …

Bela Padilla Rekonek

Bela Padilla kayang mabuhay nang walang internet, tampok sa MMFF entry na “Rekonek”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG overseas Filipino worker (OFW) ang papel na ginagampanan ni …

Andrea Gutierrez Isha Ponti Rey Valera

Andrea at Isha binigyan ng kanta ni Rey Valera 

RATED Rni Rommel Gonzales NGAYONG Sabado ng gabi, December 13, magaganap ang concert nina Andrea Gutierrez at Isha …

Anthony Taberna Roselle Taberna TGC

TGC nagpasalamat sa mga kabahagi nila sa tagumpay

I-FLEXni Jun Nardo LUMAGO na ang Taberna Group of Companies kaya naman mayroon na silang sariling building …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …