Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Couple Arrest Hand Cuffed Posas

Mag-dyowang tulak tiklo sa ‘obats’

ARESTADO ang dalawang indibidwal na pinaniniwalaang tulak ng ilegal na droga sa ikinasang buybust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Camias, sa bayan ng San Miguel, lalawigan ng Bulacan, nitong Lunes, 21 Hulyo.

Sa ulat ni P/Lt. Col. Jowilouie Bilaro, hepe ng San Miguel MPS, dakong 4:37 ng hapon nang madakip ang mga suspek na kinilalang sina alyas Torpa, 33 anyos, at kinakasama niyang si alyas Melay, 27 anyos, matapos mahuli sa aktong nagbebenta ng hinihinalang shabu sa isang police poseur buyer.

Nakumpiska mula sa mga suspek ang pitong heat-sealed sachets ng hinihinalang shabu na may kabuuang timbang na 50 gramo at tinatayang nagkakahalaga ng P340,000; at marked money na ginamit sa operasyon.

Dinala ang mga suspek at mga nakumpiskang ebidensya sa Bulacan Provincial Forensic Unit para sa pagsusuri habang inihahanda ang kasong paglabag sa Sections 5 at 11 ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 laban sa mga suspek.

Ang operasyong ito ay patunay ng masigasig na kampanya ng Bulacan PPO sa ilalim ng pamumuno ni P/Col. Angel Garcillano, acting provincial director ng Bulacan PPO laban sa ilegal na droga at kriminalidad sa lalawigan. (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Goitia

Goitia: Gawang-Pilipinas na COBRA System, Hudyat ng Bagong Yugto sa Pambansang Depensa

Ang pag-turn over ng gawang-Pilipinas na Controller Operated Battle Ready Armament (COBRA) automated weapon system …

fake news

Walang pasok sa 26 at 29 Nobyembre fake news — Recto

FAKE NEWS ang Memorandum Circular 47 na nagsasabing walang pasok sa mga tanggapan ng gobyerno …

Money Bagman

AICS ng DSWD ‘kinupitan’ 14 barangay execs sinampahan ng kaso

NAGHAIN ng reklamo ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Office of the …

Vigor Mendoza LTFRB

LTFRB Ch Mendoza pumalag vs 3 insurance management ng IC

MISMONG si Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Vigor Mendoza ang humiling sa …

SM Supermalls VFS Global FEAT

SM Supermalls and VFS Global Seal Partnership to Bring Visa and Travel Services Closer to Filipinos

Executives Shaking Hands. SM Supermalls and VFS Global leaders seal the partnership with a handshake …