Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
BingoPlus Bakit nakangiti pa rin ang mga Pinoy kahit mahirap ng buhay

Bakit nakangiti pa rin ang mga Pinoy kahit mahirap ng buhay?

ANG mahal mabuhay sa panahon ngayon, lalo pa’t patuloy ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin saan mang sulok ng mundo. Pero sa Filipinas, hindi kailangang gumastos nang malaki para sumaya. Kahit marami ang kinakapos, nakahahanap tayo ng paraan para ngumiti.

Hindi laging nabibili ang saya para sa maraming Pinoy. Kadalasan, tayo ang gumagawa nito. Kung may brownout, solb ka na kung may gitara ka at may ka-jamming. Ginagawa na lang nating nakatatawang meme ang pagsipa ng presyo ng sibuyas hanggang ₱700 kada kilo. Kapag naman umaabot hanggang tuhod ang baha, hindi na nakagugulat ang mga eksena sa social media ng mga taong ginagawang salbabida ang styro box habang may dala-dalang Bluetooth speaker at beer.

Kahit simpleng bagay, nalilibang tayo. Kahit walang pera, marunong tayong lumigaya. Ganyan ang kulturang Pinoy. Nakailang rewatch ka na ba ng “Four Sisters and a Wedding” para lang sa linyahang “Bakit parang kasalanan ko?” ni Bea Alonzo, pero hindi mo pa rin pinagsasawaan? Nakahahanap tayo ng thrill sa mga teleserye cliffhanger, “budol” finds sa sale, at piso load para ma-text si crush ng “ingat ka.” Kaya ang pabente-bente pesos nating ginagastos sa online game, sapat na para makaraos at sumaya sa isang araw.

Ito ang sayang tatak-Filipino kahit pa lamunin tayo ng inflation. Ito ang ligayang swak sa budget, swak sa araw-araw, at swak sa puso. Kahit maliit, kahit kaunti, at kahit pasundot-sundot lang.

Tayo ang pinaka-online na bansa sa buong mundo – higit sa siyam na oras kada araw ang ginugugol ng mga Pinoy sa internet. Hindi lang para magpalipas ng oras, kundi para maghanap ng karamay. Para maka-relate sa iba. Hindi lang basta patawa ang mga tina-type nating “G na G,” “Sana all,” at “Kapit lang” sa comments. Pampalakas ng loob ang mga ito. Para sa sarili, para sa isa’t isa.

“What you’re seeing isn’t escapism, it’s resilience,” sabi ni Dr. Ana Reyes, isang behavioral psychologist. “Filipinos use low-cost entertainment, whether it’s a livestream, a TikTok, or a casual game, to anchor themselves. It’s both catharsis and connection.”

Hindi na bago ‘to. Kahit saan sa mundo, kumakapit sa pop culture ang maraming tao tuwing may krisis, hindi lang kapag masaya. Ang Hollywood? Ipinanganak noong Great Depression. Ang anime? Nanggaling sa post-war Japan. Ang K-pop? Umarangkada noong bagsak ang ekonomiya sa Asia.

Sa atin naman, sumisigla ang kulturang Filipino tuwing may sakuna. Lumalakas at tumitibay. Mas nagiging makulay. Lalong tumatagos sa puso. Hindi kayang patayin ng kahit anong unos ang saya ng mga Pinoy. Imbes panghinaan ng loob, pinatatatag tayo nito. At higit sa lahat, tinuturuan tayong pahalagahan kung anong mayroon tayo, kahit gaano man kaliit o kakaunti ito.

Kaya hindi lang basta-bastang pampalipas-oras kung maituturing ang mga simple at murang bagay na kinaaaliwan natin, mapa-live karaoke man ‘yan o pag-o-online gaming sa kalagitnaan ng shift. Paninindigan itong mag-enjoy at sumaya sa kabila ng mga hamon ng buhay. Buhay pa, kaya kaya pa. Buhay pa, kaya lumalaban pa. Buhay pa, kaya “deserve ko ‘to.”

Nananatiling masayahin ang mga Filipino kahit na ginigipit, pinatitigas, pinatatamlay, at pinamamanhid nang hirap ng buhay. Hindi tayo nawawalan ng pag-asa, at hindi nauubusan ng dahilan para ngumiti, maglaro, at tumawa. ‘Yan ang tatak-Pinoy nating superpower.

Oo, mahirap ang mabuhay. Alam na nating lahat ‘yan. Kaya nga kinakantahan na lang natin ang brownout, sinasayawan ang baha, at idinaraan sa biro ang sakit kahit iniwan ng ex. Dahil para sa atin, ang pagkapit sa simple, panandalian, at abot-kayang bagay na nagdudulot sa atin ng saya ay hindi lang pantawid-lungkot at stress, kundi pantawid-buhay rin. Kaya kahit sabihin man ng mundo na “Hindi mo afford sumaya,” naninindigan tayong, “Kaya pa naman.” “Meron pa rin.” “Meron at meron.” “Padayon.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …