Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
AshDres Ashtine Olviga Andres Muhlach Jason Paul Laxamana

AshDres ‘di lang sa ‘Pinas kinakikiligan

HARD TALK
ni Pilar Mateo

PINAKILIG nila ng husto ang sumubaybay sa kanila sa seryeng Mutya ng Section E  na inihatid ng digital platform na Viva One.

Sina Ashtine Olviga at Andres Muhlach. Kilala na blang  #AshDres.

Kahit naman nang inilunsad pa lang sila sa presscon para sa nasabing serye, maski ang media eh, kinilig na sa inabangang pagsasama nila.

Siyempre, dahil pumatok sa fans at sa supporters, pelikula na o ‘yung sa big screen na sila makikita ang kasunod.

Kaya nagkaroon ngayon ng Minamahal: 100 Bulaklak Para Kay Luna na ididirehe ni Jason Paul Laxamana.

Coming of age na masasabi ang tema ng pelikula. Na may kakaibang take sa mga karakter na gagampanan nina Ashtine at Andres.

Kaya ang laki ng pasasalamat ng pinagkakatiwalaang tandem ngayon sa sasalangan nilang pelikula.

They both couldn’t believe na talagang susuportahan ng kanilang mga tagahanga ang proyektong umabot na sa ibang bansa ang ingay nang i-drop pa lang ang trailer nila.

12 million views sa maghapon nang ipakita pa lang ang karakter na si Raffy na may pinipitas na mga bulaklak. At namataan si Luna. 

Kaya sinasabing kaabang-abang ang gagawing pagsasama ng dalawa. 

Sa story conference nila for the movie, kilig na ang dalawa sa mga eksenang kakaharapin nila very soon.

At dahil diyan bibiyayaan na rin sila ng go signal para magsama sa isang malaking concert sa Agosto 15, 2025 sa Big Done (Araneta Coliseum).

Iba kapag malaki ang nagiging tiwala ng produksiyon sa isang sumisibol na loveteam. At sa pagkakataong ito, ang Ashtine at Andres. O #AshDres.

Si Boss Vic (del Rosario) na nga yata ang numero unong tagahanga ng dalawa. Dahil nakikita ni Boss Vic kay Andres ang minsan niyang nasumpungan sa isang Aga Muhlach, kung ilang dekada na ang nakakaraan.

Kilala si Boss Vic sa paghubog sa matinee idols ng industriya, eh.

Lalayo pa ba siya?

At katulong si direk Jason Paul, siguradong tatatak ang tambalan sa inaabangan ng  Minamahal…  

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …