RATED R
ni Rommel Gonzales
SA pag-ibig, totoong hahamakin ang lahat.
Tulad na lamang ng original Sexbomb member na si Cheche Tolentino, dahil sa pag-ibig ay lilisanin na niya ang Pilipinas at ang kanyang showbiz career dahil magpapakasal na sila sa US ng kanyang Fil-Am boyfriend.
“Nag-apply na ako ng fiancé visa… tayo’y magpapakasal na. Wow! Ha! Ha! Ha,” ang pahayag sa amin ni Cheche.
Aminado si Cheche na mahirap sa kanyang kalooban na iwan ang bayang sinilangan pero ganoon naman talaga ang tadhana.
“Iyon nga po. Pero babalik-balik po tayo.”
Hindi pa plantsado pero posibleng magkaroon ng reunion concert ang Sexbomb at kapag nangyari iyon ay kakaririn ni Cheche na umuwi at sumali sa once-in-a-lifetime event.
Bago umalis ng bansa ay tatapusin muna ni Cheche ang kanyang obligasyon bilang isa sa mga miyembro ng MamaMo, ang All-Mom P-pop girl group ng Surf2Sawa na binubuo nina Cheche at mga kapwa niya original Sexbomb girls na sina Rochelle Pangilinan at Sunshine Garcia, kasama ang Kapamilya comedienne/host na Melai Cantiveros.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com