Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Innervoices

Galaw nakaiindak, Meant To Be senti ng Innervoices

RATED R
ni Rommel Gonzales

HINDI inaasahan ang muli naming pagkikita ng kaibigang si Albert “Abot” Nocom sa Tunnel Bar sa Parqal sa Parañaque City.

Naimbita kasi kami ni Atty. Rey Bergado na leader at keyboardist ng grupong Innervoices sa first ever gig nila sa bar.

Pagdating namin, boses agad ni Abot ang narinig naming tumatawag sa aming pangalan, sabay-tanong ng, ‘Ano ang ginagawa mo rito?’

Sagot namin, inimbita nga kami ni Atty. Bergado.

Sa tanong naman namin kay Abot kung ano rin ang ginagawa niya sa Tunnel, simpleng sagot niya, ‘Sa akin ito, eh.’

Doon na namin napagtanto kung bakit may post si Kookoo Gonzales, na partner ni Abot, about Tunnel. Si Abot pala ang may-ari ng Tunnel Bar na class at sosyal.

At dati rin ay nag-gig sa Tunnel si Diego Gutierrez na anak nina Lotlot de Leon and former husband Ramon Christopher

na matalik naming kaibigan nina Abot, Kookoo, at Lotlot.

Going back to Innervoices, as always ay nag-enjoy kami at humataw ng sayaw (at kain at inom?) habang pinanonood ang grupo na bukod kay Atty. Rey ay kinabibilangan din nina Patrick Marcelino(lead vocalist), Joseph Cruz (keyboard), Joseph Esparrago (drums), Alvin Hebron (bass), at Rene Tecson (lead guitar).

Nakaka-senti ang kanta nilang Meant To Be (na nilikha mismo ni Atty. Rey) at nakaiindak naman ang Galaw, habang ang iba pa nilang songs ay ang Idlip, T. H. A. L. (Tubig, Hangin, Apoy, Lupa), Saksi Ang Mga Tala, Handa Na Kitang Mahalin, at ang Sayaw Sa Ilalim Ng Buwan.

At bukod sa Tunnel Bar ay napapanood ang Innervoices sa 19 East Bar and Restaurant (na pag-aari ni Wowee Posadas) at sa Noctos sa Scout Tuason sa Quezon City, sa Hard Rock Café sa Glorietta sa Ayala, at sa Aromata sa Scout Lazcano, QC.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …