
ni Niño Aclan
“BABIES are not commodities.”
Binigyang-diin ito ni Senadora Pia Cayetano kasabay ng panawagan para sa isang imbestigasyon sa Senado kaugnay ng nakababahalang pagdami ng mga kaso ng pagbebenta ng mga sanggol sa social media.
Ito ay kasunod ng ulat mula sa Commission on Human Rights (CHR) at Philippine National Police (PNP) ukol sa mga sindikatong nang-aabuso sa mga pamilyang salat sa kabuhayan.
“These are heartbreaking reports that demand swift and coordinated action. The sale of children online is a gross violation of their rights and a crime under our laws,” ani Cayetano, kilalang nagsusulong ng karapatan at kapakanan ng mga kababaihan at kabataan.
Binanggit niya ang kahalagahan ng ganap na pagpapatupad ng Expanded Anti-Trafficking in Persons Act at ng Domestic Administrative Adoption and Alternative Child Care Act, dalawang mahahalagang batas na kanyang isinulong at naipasa.
Ang una ay kinikilala ang pagbebenta ng mga sanggol at pag-aampon kapalit ng pera bilang anyo ng human trafficking, habang ang ikalawa ay ginagawang mas simple, abot-kaya, at mabilis ang proseso ng legal adoption para sa mga pamilyang Filipino.
“I am filing a Senate resolution to investigate not only the possible involvement of syndicates in these online baby-selling cases, but also the systemic gaps that allow this to happen, and to ensure that our law enforcement agencies, social workers, and regulatory bodies are equipped and coordinated in stopping this practice,” paliwanang ni Cayetano.
Nanawagan siya para sa mas pinaigting na edukasyon sa mga komunidad at mas mahigpit na digital monitoring, lalo na’t may mga ulat na maging ang mga hindi pa naisisilang na sanggol ay ibinebenta na.
“This issue is a painful reminder of the deep poverty and desperation that some families face, but that cannot justify the exploitation of our children. We must give mothers and families real alternatives, including accessible social services and a humane, efficient adoption system,” dagdag ng senadora.
Muling ipinahayag ni Cayetano ang kanyang buong suporta sa National Authority for Child Care (NACC) sa pagsasakatuparan ng mandato nito, kabilang ang sapat na pondo para sa mga tauhan, programa, at mga public awareness campaigns para sa publiko.
“Our children deserve to grow up in safe, loving homes, and not be traded in online marketplaces. I will continue fighting for laws and policies that protect every Filipino child from abuse, neglect, and exploitation.”
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com