Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Huli sa aktong pagkatay sa sinikwat na motorsiklo lalaki sa Bulacan tiklo

Huli sa aktong pagkatay sa sinikwat na motorsiklo, lalaki sa Bulacan tiklo

DINAKIP ng mga awtoridad ang isang lalaking pinaniniwalaang kabilang sa grupo ng agaw-motorsiklo sa lungsod ng San Jose del Monte, lalawigan ng Bulacan, nitong Miyerkoles ng gabi, 16 Hulyo.

Kinilala ang suspek na si alyas JB, 30 anyos, residente ng SJDM Heights, Brgy. Muzon, sa nabanggit na lungsod, na naaktuhang kinakatay ang isang ninakaw na motorsiklo sa loob ng kaniyang tirahan.

Ayon sa ulat na isinumite kay P/Lt. Col. Reyson Bagain, hepe ng San Jose del Monte CPS, naganap ang insidente nang samantalahin ng suspek ang pagkakaiwan ng biktimang 24-anyos na lalaki, sa kaniyang motorsiklo sa Phase 1, SJDM Heights.

Agad na isinumbong ng biktima sa mga opisyal ng barangay ang insidente, na agad na rumesponde kasama ang mga tauhan ng San Jose del Monte CPS upang matunton ang tirahan ng suspek.

Dito na naaktuhan ng mga operatiba ang suspek habang kinakatay ang sinikwat na motorsiklo upang paghiwa-hiwalayin ang mga piyesa nito para ibenta.

Sa isinagawang pag-aresto, narekober mula sa suspek ang isang improvised na baril (sumpak) na may isang buhay na bala, na tinangka pa niyang gamitin laban sa mga awtoridad.

Kasalukuyang inihahanda ang kasong paglabag sa RA 10883 (New Anti-Carnapping Law) at RA 10591 (Comprehensive Law on Firearms and Ammunition Regulation) na isasampa laban sa suspek.

Ang mabilis na pagtugon ng San Jose del Monte CPS, katuwang ang mga opisyal ng barangay, ay patunay ng patuloy na pagtupad ng Bulacan PPO sa pamumuno ni P/Col. Angel Garcillano, acting provincial director, sa kanilang tungkulin na panatilihin ang kapayapaan at kaayusan sa lungsod. (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …