Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
P21-M BUTANE CANISTER Sta Maria BULACAN

Pag-aari ng ex-Congressman
HIGIT P21-M BUTANE CANISTER NADISKUBRE SA BULACAN

NADISKUBRE ang hindi bababa sa 400,000 piraso ng butane canister na nakasilid sa halos 4,000 na tinatayang nagkakahalaga ng higit P21 milyon sa isang warehouse sa bayan ng Sta. Maria, lalawigan ng Bulacan, nitong Martes ng hapon, 15 Hulyo.

Sa bisa ng search warrant na inilabas ng Regional Trial Court (RTC) ng Malolos, Bulacan, sinalakay ng Philippine National Police – Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) Regional Field Unit 3, kasama ang Regional Special Operations Group at Sta. Maria MPS, ang warehouse sa Brgy. Pulong Buhangin, dakong 3:00 ng hapon kamakalawa dahil sa ilegal nap ag-iimbak ng mga butane canister.

Ayon kay P/Lt. Mark Louie Tamayo, assistant chief ng CIDG RFU 3 Investigation Section, nagsagawa sila ng mga serye ng surveillance at validation sa lugar at positibo nilang napag-alaman ang presensiya ng mga butane canisters sa posesyon ng kanilang respondent.

Nag-ugat ang raid matapos dumulog sa CIDG ang abogado ng complainant kaugnay ng sinasabing pag-ho-hoard ng warehouse sa mga butane canister na nagmula pa sa Cebu at Mindanao.

Paliwanag ng legal counsel ng complainant na si Atty. Vincent Roel Tabuñag, milyon-milyon ang nawala sa kanilang kita dahil nawawala ang kanilang butane canisters sa ilang dealer at distributor sa mga lugar ng Visayas at Mindanao na dapat ay umiikot lang sa merkado ang kanilang produkto dahil refillable ang mga ito.

Ito rin ang kadalasang ginagamit ng mga restaurants, street vendors, at sa mga kabahayan bilang alternatibo at mas murang bersyon ng LPG tank sa Visayas at Mindanao.

Nabatid sa ulat na pag-aari ng isang dating kongresista ang nasabing warehouse na ka-kumpetensya ng complainant sa industriya.

Sa ngayon, pansamantalang itatago sa safe storage facility ng CIDG ang mga nakumpiskang butane canister.

Ayon pa kay Tamayo, ang mga nakumpiskang butane canisters ay dadalhin sa isang pribadong storage facility na babantayan ng mga security guard sa loob ng 24 oras, pitong araw buong linggo at mayroong mga CCTV cameras. 

Nahaharap sa patong-patong na reklamo ang limang sangkot na indibidwal dahil sa paglabag sa RA 623 na inamyendahan ng RA 5700, o Hoarding and Possession of Butane Canisters Protected by Law, Trademark Infringement at Unfair Competition. (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …