Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Ogie Diaz Zanjoe Marudo How To Get Away From My Toxic Family

Ogie Diaz may payo, paano nga ba makawala sa toxic family?

RATED R
ni Rommel Gonzales

TINANONG namin si Ogie Diaz kung ano ang maipapayo niya tungkol sa toxicity sa isang pamilya na karaniwang nangyayari sa kahit na sino.

Kumbaga ito ‘yung pelikulang ibinagay namin sa henerasyon ngayon.

“So ano ba ang gagawin ng isang Gen Z o Millennial ngayon? Sa mga panahon ngayon iba na, hindi ba?

“Kung noong araw ‘yan sa atin mga boomer and Gen X, eh talagang kakapit at kakapit sa pamilya kahit ano pang maging behavior ng pamilya towards us, ‘di ba?

“So ito hindi, iniba namin, kasi ayun na ngayon eh, ‘pag ‘di mo na kaya alis ka na.

“Ganoon lang kasimple. Kasi siyempre noong araw  eh hindi naman masyadong pinapansin ‘yung mental health, eh ngayon lahat tayo mayroong mental health issue. ‘di ba?

“Masyado na nating pina-prioritize ‘yung mental health natin so, kung ano sa mga sitwasyon ang hindi na makabubuti sa mental health natin bibitaw tayo roon.

“Para alagaan naman ‘yung sarili nating mental health. So itong pelikulang ito para sa mga mahal nila ang kanilang sariling mental health,” ang mahabang pahayag ni Ogie.

Napag-usapan namin ang tungkol dito dahil ganito ang premise ng pelikulang How To Get Away From My Toxic Family na pinagbibidahan ni Zanjoe Marudo bilang martir at mapagbigay na anak na si Arsenio.

Katuwang ni Ogie sa pagprodyus ng pelikula ang KreativDen Entertainment.

Kasama rin sa pelikula sina Susan Africa, Nonie Buencamino, Sherry Lara, Richard Quan at marami pang iba. Mapapanood sa mga SM cinema sa July 30, sa direksiyon ni Lawrence Fajardo.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …