RATED R
ni Rommel Gonzales
NANGUNGUNA sa Spotify Top Podcasts sa Pilipinas ang vodcast ng GMA Network na Your Honor!
Bukod sa success nito sa Spotify, Top 2 Comedy Show din ito sa Apple Podcast sa bansa.
Hosted by Chariz Solomon at Buboy Villar mula sa House of Honorables, ang comedy show ay mala-hearing na kwentuhan at kulitan kasama ang mga celebrity na iniimbestigahan ang kahit anong isyu sa buhay. Lahat papatulan, walang mahahatulan. Masayang hearing lang.
Mapapanood ang fresh episodes nito tuwing Sabado, 7:15 p.m. sa YouLOL YouTube livestream. Pwede ring balik-balikan ang trending vodcast sa Spotify at Apple Podcasts.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com