HARD TALK
ni Pilar Mateo
MAY naunang commitment ang scriptwriter na si Gina Marissa Tagasa kaya hindi ito nakarating sa mediacon ng pelikulang hatid ng Pocket Media Producrions ni Direk Cathy Camarillo na Meg & Ryan.
Nakausap ko naman si Manay Gina and posed to her lang ilang tanong about the movie na pinagbibidahan nina Rhian Ramos at JC Santos, supported by Poca, Jef Gaitan-Fernandez, Ces Quesada and Chris Villanueva.
Bakit at paano ba nabuo ang kwento nina Meg at Ryan? Ano ang nasa isip ni Manay Gina when she made that story?
“Fan na ako ni Meg Ryan noon, ang Queen of feel-good Romance stories (na hindi pa naman romcom ang label noon).
“The feel-good was really “Feel-good” kasi paglabas mo ng sinehan, parang ang gaan ng feeling kasi nagiging iba ang perspective mo sa love and falling in love. Ganoon ang dating ng mga romance stories noon. Thus, the title ‘Meg & Ryan,’ a tribute to the romcom diva sa Hollywood noon.
“Ginawa ko lang names ng couple who are actually exact opposites. Isang sassy, rich, lonely girl na heavy-drinker. Wala siyang pakialam basta she’s trying to enjoy life kasi she had an unhappy childhood na umikot lang sa luxury and pampering ang life niya. Her father was philandering, a mother who was an alcoholic and suicidal, so imagine ang klase ng foundation ni Meg. Si Ryan naman, who grew up in the province, pastor ang tatay, cool ang nanay who loves him dearly. Secure kahit simple ang childhood niya. So, paano mag-a-align ang dalawang ito sa generation nila as Millennials?”
Opposites attract ang pinakabuod ng nahabing kwento. May kaibahan ba ito sa mga dumaraan din sa ganitong phase ng pag-iibigan?
“Karamihan naman sa love stories whether Korean or Pinoy na Asian love stories, madalas ang handle ay nagkataon, nagkatagpo, nagkalapit–it’s my Principle of Serendipity.
“’Yung Destiny thing is still subjective, depende sa pananaw din ng tao. In the case of Meg and Ryan story–si Meg, she just lets things flow, walang rules. While Ryan, may plano lagi, may rules siya. Si Meg, kailangan ng inner healing, daming galit so someone has to help her heal. Hindi ‘yun magagawa ng isang lalaking selfish at wala ring direksiyon ang buhay. Kaya si Ryan ang kailangan niya. Rhian is Meg na Meg ang personality. Si JC, Ryan na Ryan kaya I believe they are the perfect pair that fits.
“JC is water, still, flowing.…Rhian is ice, can be cold, init lang ang pwedeng tumunaw. Ang ‘Meg &Ryan,’ simpleng kwento lang ng pag-ibig na binasag ng mababaw na challenges and yet noong nauwi sa love, lumalim.”
To get the people to watch in the cinemas. Paano ba? PG ang ratings ng mga trailer na ipinalalabas na. At sana ganoon din ang buong pelikula. At ipalalabas na ito sa ika-anim ng Agosto.
“Ang pelikula ngayon sa cinemas, maikukompara ko sa quotable quote ni Forrest Gump—‘Life is like a box of chocolates, you”ll never know what you’re gonna get. Hahahaha! (pero naroon pa rin ako sa bawasan ang presyo ng ticket!)
“Sa mga mainstream at indie films na ipino-produce ngayon–hard stuff, pa-woke, pa-art, for digital, online eme–parang breather sa akin ang simple, totoo, inspiring, hindi mabigat pero tusok sa puso na materyal. Simple joys struggle, hanggang ma-achieve ‘yan araw-araw. You make them happen by appreciating the simple things in life.”
Naniniwala rin naman ang emosyonal na direktor ng pelikula na si direk Cathy na may ihahatid silang isang magandang kwento sa mga manonood.
Nasiyahan ang mga sumaksi sa dalawang version ng trailers nito at iisa ang sinasabi na swak ang kemistri ng mga bida sa ibinigay na mga papel sa kanila.
Kahit unang pagkakataong nagsama sa proyekto ng mga bida, nagkasundo na agad sila. Dahil lang sa pinairal nila ang kaalaman na sa pagbibigay o kailangang isukli sa kaeksena niya.
Marami ang nagsabi na both Rhian and JC are underrated actors. Pero hindi naman daw nila inilalagay ‘yun sa isip nila.
Produkto ng teatro si JC. At sige naman sa mga serye sa telebisyon si Rhian.
Kaya hindi na nakapagtataka na maganda ang maging track record nila.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com