RATED R
ni Rommel Gonzales
DOCU-FILM ang Sa Likod Ng Tsapa: The Colonel Hansel Marantan Story, kaya naman tinanong namin si Colonel Hansel Marantan kung ano ang saklaw nito?
Lahad niya, “Lahat naroon, it’s an embodiment of the policemen, the law enforcers ahead of me and about to be like me and ‘yung sa ngayon, kasi maraming stories na untold.
“Gaya niyong story ko, hindi lang ako ang may ganyang istorya. Maraming policemen na nakapagsakripisyo.
“At ‘yung the case of Colonel Hansel, being portrayed in ‘Sa Likod Ng Tsapa’ and all of it, lahat ng mga sinasabi ko, nadoon lahat
“Kaya iyan na ‘yung ano ni Ms. Edith, ‘Ikuwento na natin ‘yun. Kada operations, iba-iba.
“As a law enforcer, it doesn’t matter to me if you are the strongest elephant in the room. What matters to me is how you behave and how you treat people.
“Highly regarded ka sa akin kapag ganoon pero kung you’re taking advantage of people who are less fortunate than you, less fortunate na nga eh, you have to give more considerations to them.”
Ano ang matututunan ng ordinaryong tao kapag napanood ang kuwento niya?
“Matututunan niya na maraming struggles pala ang pagiging law enforcer.
“Hindi lang ‘yung nakikita mo riyan, hindi pala ganoon.
“Maraming sakripisyo, not only him but the family also.
“‘Pag nagsakripisyo ‘yung isang pulis, magsa-sacrifice ‘yung family, gaya ng sinabi ko kanina, maraming sacrifices diyan to solve cases and to save you. That’s all.
Iyon ‘yung moral lesson diyan.”
Ang docu-film ni Colonel Marantan ay ipalalabas sa mga sinehan sa August 13.
Si Colonel Marantan ay dating pinuno ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG/NCR).
Siya ngayon ang Acting City Director ng Davao City Police Office (DCPO).
Ang executive producer ng pelikula ay si Editha Caduaya na siya ring sumulat ng dokyu at direktor.
Si Ms. Edith ang may-ari ng Pop Movie House Newsline Philippine Corporation na isang Davao-based news site.
Magandang balita naman na binigyan ng MTRCB (Movie and Television Review and Classification Board ng G (General Audience) rating ang pelikula.
Ang theme song ng pelikula ay isinulat ni Jerry Angga.