Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Dina Bonnevie House of D

Dina nagtampo sa Diyos

RATED R
ni Rommel Gonzales

KINAMUSTA namin si Dina Bonnevie makalipas ang anim na buwan mula nang pumanaw ang mister niyang si Deogracias Victor “DV” Davellano noong January 7, 2025.

“Ahhh well I can say na more or less medyo… siguro na-exhale ko na lahat ng grief ko, parang for a time I was really, iyak ako ng iyak.

“As in I kept asking God, parang, ‘Bakit?’

“Marami pa naman sanang magagawa ‘yung asawa ko. 

“Because I never considered him as a politician, he was a public servant! And a good public servant at that.

“So, parang for a while nagtampo ako kay God na, ‘Bakit Mo siya kinuha andami niya pang magagawa? Bakit siya? ‘Marami namang walang silbi sana iyon ang kinuha Mo. Bakit itong asawa ko?’”

Nanungkulan si DV bilang Agriculture Undersecretary for Livestock noong nabubuhay pa.

Pagpapatuloy ni Dina, “But well, you can never question naman God’s wisdom. 

“God’s wisdom is supreme and above all. ‘Di ba sabi nga natin God can see our lives from beginning to end, it’s like a parade.

“He sees the beginning of the parade, the middle of the parade and the end of the parade.

“So only He knows what his plans are for you, so wala tinanggap ko nag-grieve ako, I gave myself time to grieve and then I said it’s about time I pick up the pieces and do something.

“And iyon na nga ‘yung sinabi ni Shyr, ‘Why don’t you do something that you like?’

“So nandoon kami, si Atty., ‘Why not’, ganyan ganyan, ‘Do a talk show’, ganyan-ganyan.”

Matalik na kaibigan ni Dina ang character actress na si Shyr Valdez at iisa naman ang abogado nila, si Atty. Mark Julius Estur.

Paglalahad pa ni Dina, “Sabi ko iyon ang dream ko, makabalik sa pagto-talk show kasi that’s close to my heart.”

Napanood na simula noong Biyernes, July 11, 5:00 p.m. ang House of D  sa official YouTube channel. Co-host at co-producer niya ang mga anak na sina Oyo at Danica Sotto at mga in-law niyang sina Kristine Hermosa at Marc Pingris.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …