Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Aksyon Agad Almar Danguilan

Ang tagubilin ni FC Dir. Fernandez sa Bohol firefighters

AKSYON AGAD
ni Almar Danguilan

“IBALIK natin sa kanila ang magandang serbisyo!”

Iyan ang tagubilin ni Bureau of Fire Protection (BFP) Chief, Director Jesus P. Fernandez, sa mga opisyal at kagawad ng BFP Bohol Provincial Office (BPO), sa kanyang talumpati sa inauguration ng bagong gusali ng BFP – Bohol PO nitong 11 Hulyo 2025.

Pinaalalahanan ni Fernandez ang Bohol PO sa pamumuno Fire Marshal Supt. Raul Bustalino na pagsilbihan nang maayos ang Boholeños sapagkat ang lupang kinatatayuan ng bagong gusali ng provincial office ay ipinagkaloob ng Bohol Provincial Government. Siyempre, kung galing sa provincial government, ito ay para sa mamamayan ng lalawigan.

Naniniwala naman tayo na hindi bibiguin ng BFP Bohol ang kanilang mga kababayan – nangako si Bustalino na lalo pa nilang paiigtingin ang kanilang serbisyo para sa kaligtasan ng bawat indibiduwal at kanilang mga ari-arian batay na rin sa direktiba ni BFP Regional Office 7 Director, Chief Supt. Fred Trajeras.

Mula sa BFP National Headquarters sa Quezon City tumungo sa Bohol si Fernandez kasama si BFP Region 3 Director, FChief Supt. Manuel G. Golino (dating BFP Region 7 Director) at pinangunahan ang pagpapasinaya sa bagong tanggapan ng Bohol Fire Provincial Office na matatagpuan sa Barangay Malayo Sur sa bayan ng  Cortes.

Lote na may sukat na 1,000 square meters ang ipinagkaloob ng provincial government…e paano ang para sa gusali, saan nanggaling ang pondo para rito? Iyan ang magandang katanungan.

Para sa kaalaman ng lahat, ang bagong tayong gusali (dalawang palapag) ay nagkakahalaga ng P40 milyon. Ang laking halaga ano!? Yes, dahil maganda ang pagkakagawa at moderno na ang opisina — kompleto sa modernong pasilidad.

E saan galing ang pinagpatayuan ng gusali? Ang kasagutan diyan – ani Fernandez ay mula sa “generosity” ni dating Senador na ngayon ay Education Secretary Sonny Angara. Yes, si Angara ang siyang tumulong para sa alokasyon ng pondo noong siya ay isa pang Senador.  

Sa talumpati ni Fernandez, kanya rin pinasalamatan ang Kalihim sa hindi matatawaran ang suporta at naimbag para sa modernisasyon ng BFP.

Sa ngayon, ang lalawigan ay may 103 fire trucks at apat na ambulansiya at laging nakahanda sa pagbibigay serbisyo – 24/7 sa Boholeños.

Sinabi rin ni Fernandez na ang bagong gusali ay hindi lamang literal na gusali kung hindi ito ay simbolo ng katatagan at pagkakaisa ng firefighters at maging ng komunidad.

Siyempre, kasama rin sa pagpapasinaya si BFP Region 7 Director Chief Supt. Trajeras, na malaki ang naging bahagi para makuha ang patuloy at buong suporta ng provincial at local government unit.

“The provincial fire marshal Supt. (Raul) Bustalino was able to coordinate and requested for funds from then Senator (Sonny) Angara, wherein he allotted P40 million for the construction of the office of the provincial fire marshal… you know it’s a unique – somehow may kinaiba ito – because even in the national headquarters, we cannot simply just allocate funding for the OPFM, mostly ang funding doon is para sa construction for the city fire station, municipal fire station but this time, at least outsourcing or coming from the good senator… malaking bagay ito,” pahayag ni Trajeras.

Pinasalamatan din ni Fire Chief, Dir. Fernandez sa kanyang talumpati ang mga opisyal ng lokal na pamahalaan, mula sa opisina ni Bohol Governor Erico Aristotle Aumentado hanggang sa opisina nina Cortes Mayor Rodrigo Dennis Uy at 1st District Congressman John Geesnell Yap.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Almar Danguilan

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag tama ang paggamit ng pondo, lahat tayo panalo

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA RAMI ng ingay na nilikha ng balita tungkol sa pagbabalik …

Aksyon Agad Almar Danguilan

500k TPMM raliyista safe sa seguridad ng QCPD

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI sapat ang salitang “Salamat QCPD” sa pagbibigay seguridad sa halos …

Dragon Lady Amor Virata

Si general social media at tv ang gusto, ayaw sa diyaryo, para sikat!

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SINO itong General na binara-bara ang mga diyarista at …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Tsismis vs katotohanan

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARAMI nang naganap na pagdinig sa Blue Ribbon Committee tungkol sa …

Sipat Mat Vicencio

Chiz, Jinggoy ‘patay na ang karera sa politika’

SIPATni Mat Vicencio DAHIL sa iba’t ibang kontrobersiyang kinakaharap nina Senator Chiz Escudero at Senator …