Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Hindi rehistradong vape products Baliwag Bulacan

Hindi rehistradong vape products nasabat sa Bulacan

HINDI bababa sa P45 milyon ang halaga ng hindi rehistradong vape products na nasabat ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa No. 1257 San Lucas St. at Topaz St., Carpa Road, Brgy. Sabang, sa lungsod ng Baliwag, lalawigan ng Bulacan, nitong Sabado, 12 Hulyo.

Nagsilbi ng search warrant ang CIDG Northern District Field Unit, kasama ang Department of Trade and Industry (DTI) sa nasabing lugar na nagresulta sa pagkakaaresto sa dalawang suspek at pagkakakumpiska ng iba’t ibang hindi rehistradong vape products.

Sa ulat kay CIDG Acting Director P/BGen. Romeo Macapaz, kinilala nag mga suspek na sina alyas Rhizmel at alyas Anne, magkasosyo sa negosyo at sinasabing sangkot sa ilegal na pagbebenta at pamamahagi ng mga hindi rehistradong produkto ng vape nang walang kinakailangang permit at awtoridad mula sa DTI.

Nasamsam sa operasyon ang 140 kahon ng iba’t ibang vaporized na produkto (Spark Lighting, Elite 15000, Royal Purple, Oxva, Boss V00M-01, at Premium Boss Greek), 23 box ng Spark Pods, 98 box ng Spark Pod Juice, 104 boxes ng Spark Pod Refills at delivery ng isang unit ng CCTV, na may tinatayang kabuuang halagang P45,000,000.

Sinampahan ng kaso ang mga suspek sa National Prosecution Service ng paglabag sa Section 19 ng RA 11900 o Vaporized Nicotine and Non-Nicotine Products Regulation dahil sa hindi pagrehistro ng mga produkto sa Department of Trade and Industry (DTI) at Bureau of Internal Revenue (BIR).

Binanggit ni Macapaz na pinoprotektahan at itinataguyod ng estado ang karapatan ng mga tao sa kalusugan at itinatanim ang kamalayan sa kalusugan.

Aniya pa, kinokontrol ng pamahalaan ang pag-aangkat, paggawa, pagbebenta, pamamahagi, at paggamit ng vaporized na nicotine at non-nicotine na mga produkto, kanilang mga device, at mga produkto ng vape upang itaguyod ang isang malusog na kapaligiran. (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …