Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Aksyon Agad Almar Danguilan

PR, photo ops ni Romualdez bumabaha, para saan?

AKSYON AGAD
ni Almar Danguilan

PANSIN n’yo ba na halos araw-araw ay may mga lumalabas na press release si Speaker Martin Romualdez. May kasama pang piktyuran blues kasama ang kung sino-sinong opisyal. May paanunsiyo ng kung anong plano. May pa-speech, pa-check, pa-turnover. Estilong approach ng Pangulo ng Filipinas, hindi ba?

Ano ba ang pakay ng estilong ito – mga larawan at headline? Ano nga ba? Mapapaisip ka talaga kung ano ang purpose. Trabaho ba talaga ang inaatupag o photo-op? Habang abala ang ibang opisyal sa paggawa ng batas, pagresolba sa krisis, at paghahanap ng solusyon sa inflation at kahirapan, tila ang Speaker ay mas abala sa pagpapakilala ng sarili. Bakit kaya?

Hindi naman tayo tutol sa pagpapalabas ng press release dahil hindi ito masama at masasabing bahagi iyan ng trabaho bilang opisyal at nakatutulong sa transparency. Pero kapag halos araw-araw ay may pahayag, may retrato, may self-congratulatory message pero walang kapansin-pansing resulta, roon nagsisimula ang tanong, “Para saan ba talaga ito?”

Hindi na lingid sa Kongreso ang ambisyon ni Romualdez na tumakbo sa mas mataas na puwesto – Presidente yata ang puntirya kung hindi tayo nagkakamali.

Ngayon kung pagbabatayan ang dami ng press materials niya nitong mga nakaraang buwan, tila nagiging “campaign platform” na ang Kongreso at hindi na pang-public service ang kanyang agenda.

Habang ang mga kababayan natin ay humaharap sa inflation dahil sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin, kawalan ng trabaho, at krisis sa edukasyon, ang itinatampok sa balita ay ang panibagong photo-op ng Speaker. Puro porma, kulang sa substance. Puro pangako, pero nasaan ang tunay na implementation?

At huwag nating kalimutan na sa ilalim ng kanyang pamumuno, lumala ang imahen ng Kamara bilang “House of Crocs.” Ang Philippine Chamber of Commerce and Industry ay nagpahayag na marami silang nakikita na budget insertions. Nandiyan din ang kontrobersiyal na impeachment at power plays maging sa Senado. Pero imbes magpaliwanag, press release lang ang sagot.

“Ika nga, ang serbisyo publiko ay hindi Instagram feed. Hindi rin ito paramihan ng headlines. Ang tunay na lider ay hindi nagpapakyut. Dapat nagtatrabaho. Hindi nga ba siya nagtatrabaho? Kayo naman, nagtatrabaho rin si Speaker ha.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Almar Danguilan

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag tama ang paggamit ng pondo, lahat tayo panalo

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA RAMI ng ingay na nilikha ng balita tungkol sa pagbabalik …

Aksyon Agad Almar Danguilan

500k TPMM raliyista safe sa seguridad ng QCPD

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI sapat ang salitang “Salamat QCPD” sa pagbibigay seguridad sa halos …

Dragon Lady Amor Virata

Si general social media at tv ang gusto, ayaw sa diyaryo, para sikat!

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SINO itong General na binara-bara ang mga diyarista at …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Tsismis vs katotohanan

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARAMI nang naganap na pagdinig sa Blue Ribbon Committee tungkol sa …

Sipat Mat Vicencio

Chiz, Jinggoy ‘patay na ang karera sa politika’

SIPATni Mat Vicencio DAHIL sa iba’t ibang kontrobersiyang kinakaharap nina Senator Chiz Escudero at Senator …