MATABIL
ni John Fontanilla
MULING tumanggap ng panibagong parangal ang matagumpay na negosyante-Philanthropist, Ms Cecille Bravo sa katatapos na Pamana Awards USA 2025 bilang World Class Achiever.
Ang pagbibigay parangal ay para sa A Philippines- American Friendship Day Celebration na proyekto ni Boy Lizaso ng Lizoso House Of Style.
Ito ang ikawalong Annual Filipiniana Americana edition ng pagbibigay-parangal sa mga Outstanding International and National Beauty Queens and Global Community Civic Leaders.
Ang Pamana Awards USA ay ginanap sa Centennial Hall ng Manila Hotel noong July 2, 2025.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com