Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Arrest Shabu

Miyembro ng ‘Papa Group’ timbog sa baril at shabu

INARESTO ng mga awtoridad ang isang miyembro ng notoryus na criminal gang matapos isilbi ang search warrant ng mga awtoridad sa lungsod ng San Jose, lalawigan ng Nueva Ecija, nitong Linggo, 6 Hulyo.

Ayon sa ulat mula kay P/Col. Heryl Bruno, provincial director ng Nueva Ecija PPO, inihain ang search warrant ng pinagsanib na elemento ng San Jose CPS bilang lead unit, at PIU-NEPPO laban sa 25-anyos suspek na residente sa Brgy. Abar 1st sa nabanggit na lungsod, at kilalang miyembro ng Papa Group, isang notoryus na criminal gang.

Nakompiska mula sa pag-iingat ng suspek ang isang homemade caliber .38 revolver na kargado ng dalawang bala, at dalawang heat-sealed transparent plastic sachet ng hinihinalang shabu na may timbang na 0.14 gramo.

Nakatakdang sampahan ang suspek ng mga kasong paglabag sa RA 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act) at RA 9165 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act) Possession of Illegal Drugs) sa City Prosecutor’s Office ng San Jose City, Nueva Ecija.

Napag-alamang ang suspek ay isinailalim sa serye ng surveillance operations sa ilalim ng Case Operation Plan (COPLAN) PAPA.

Ang grupo, kilalang sangkot sa mga insidente ng pagnanakaw at pag-agaw ng motorsiklo (motornapping), ay iniulat na kumikilos sa loob ng San Jose at mga kalapit na bayan.

Ayon kay P/Col. Daguit, determinado silang lansagin ang mga criminal gang at iba pang lawless elements na nambibiktima sa mga komunidad.

Dagdag niyang babala, hahabulin nila ang mga kriminal at hindi hahayaang malayang gumala-gala alinsunod sa mga direktiba ni PRO3 Regional Director P/BGen. Ponce Rogelio Peñones. (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …