RATED R
ni Rommel Gonzales
BILANG isang ina mahalaga kay Melai Cantiveros ang mura, mabilis, at reliable na internet connection.
“Sobrang importante talaga ang internet para sa bahay lalo na ‘yung ‘pag hindi mo masaway ‘yung mga anak mo.
“Minsan talaga ibibigay mo na lang ‘yung, ‘O quiet kayo, manood muna kayo ng kuwan diyan!’”
May dalawang anak sina Melai at mister niyang si Jason Francisco—Mela, 11 at Stela, 8.
“Kaya very important talaga lalo na sa mga Gen Z mom, kailangan talaga,” sinabi pa ni Melai na endorser ng Surf2Sawa Prepaid Fiber Internet Connection powered by Converge.
Kasamang endorser ni Melai ang apat na original Sexbomb girls na sina Rochelle Pangilinan, Jopay Paguia, Sunshine Garcia, at Cheche Tolentino.
At rebelasyon na ang apat ang bumubuo ng “MamaMo”, pinakabagong All-Mama P-pop girl group ng Surf2Sawa.
Sa launch nila ay sing and dance ang apat at si Melai ay nagmistulang panlimang miyembro ng Sexbomb.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com