GINABAYAN ni LA Tenorio ang Barangay Ginebra sa panalo laban sa San Miguel Beermen, 88-87, dahilan para mapuwersa ang Game 7 sa PBA Season 49 Philippine Cup semifinals nitong Linggo ng gabi sa SMART Araneta Coliseum.
Uminit ang mga kamay ng beteranong guard na si Tenorio sa fourth quarter kung kailan lahat ng 11 puntos ay kaniyang ginawa — kabilang ang panalong tres sa huling 3.1 segundo.
Nanguna sa Ginebra si Scottie Thompson na kumonekta ng 17 puntos; kasunod si Japeth Aguilar, 16 puntos; sina RJ Abarrientos, Stephen Jeffrey Holt, at Troy Rosario ay may parehong 12 markang ambag.
Namuno sa Beermen si Jun Mar Fajardo na may 21 puntos.
Ang deciding Game 7 ng best-of-7 semifinals series ay gaganapin sa Big Dome sa Miyerkoles. (HENRY TALAN VARGAS)
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com