Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Rosenda Casaje Gorgeous Glow PH Gluta Spa

Beauty queen/model umaariba mga produktong pampaganda 

HARD TALK
ni Pilar Mateo

DAHIL SA paanyaya ng mga sikat na designer sa iba’t ibang panig ng mundo, partikular na sa Milan at Pransiya, napalapit na sa puso ng negosyanteng si Rosenda Casaje ang pagsama o pagtalima sa mga paanyaya ng gaya nina Elie Saab, Blamain, Georges Chakra, Stephane Rolland at iba pa.

Up close and personal, nakakabungguang-siko niya ang mga gaya ni Bella Hadid at sa ilang nagkakataon, nakita niya sina Heart Evangelista at Pia Wurtzbach.

Sa Hulyo 4, 2025, lilipad siya sa Paris matapos na dumalo sa Dubai na tumanggap ng parangal bilang Icon of Elegance. Dadalo siya sa Fashion Week sa Paris. At kahit nga sa nagdaang Cannes Film Festival ay rumampa siya. Modelo ba siya? Hindi naman.

Pero nakarampa na rin siya sa ilang beauty pageant. Nagkamit ng parangal na Mrs. Global Universenoong 2020, Mrs. Global Universe Empowerment Woman at Queen Ambassador 2020.

Sino si Rosenda Casaje? Optical noong bata ako ang pumasok sa isip ko na Casaje. Wala naman daw siyang kaugnayan.

Negosyante siya. Dahil sa loob ng walong taon, napagsumikapan niyang itaguyod ang kanyang Gorgeous Glow PH.  Na kung pang-kalusugan at pampaganda ang pag-uusapan ay matagal na palang kinagigiliwan sa merkado rito sa bansa and all over the world.

Mahiyain si Rosenda. Kaya kahit tahimik niyang pinupursige ang kanyang produkto ay umaariba ito sa paraang ginawa at nakasanayan niya.

Naiiba sa nakasanayan na naming mga produktong may nag-eendosong sikat na mga pangalan. Siya, wala. O wala pa.

Kasi naman, parang siya mismo, sapat na magbenta ng mga produkto niyang tunay naman niyang ginagamit. Sa mukha. Sa katawan. Sa lahat.

35 años. Happily married sa isa ring negosyante. Dalawa ang anak.  Labingsiyam pa lang siya nang magka-baby. Kaya ang panganay ay dalaga na. At ang bunso ay walong taong gulang naman.

Iba ang paraan ni Rosenda sa pagharap at pag-aalaga sa kanyang negosyo. Masinop. Ang budget sa marketing ay ginagamit sa pagpapalaganap at pagpapalaki pa ng kanyang produkto.

Kaya nga ngayon lang siya humarap sa media. Sa panahong alam niya na malaking bagay ang sumalang sa social media at makilala sa print, TV at iba pa.

Wala rin ngang nakitang billboards niya eversince. Dahil mas binubuhos niya ang budget doon para sa iba pang kakailanganin ng kanyang negosyo sa iba pang mga paraan.

Mapagkakamalan mo ngang artista si Rosenda.

Dalawa na ang anak pero 22 ang sukat ng bewang. Healthy lifestyle ang sinusunod nito.

Masusubaybayan siya sa kanyang Tiktok

VIC siya. Very important client ng mga kilalang brands. Kaya naman kapag rumarampa na siya sa nasabing mga bansa, bitbit niya ang pagiging endorser na rin ng kanyang produkto. Kaya naman para rin siyang mannequin o manika na dinadamitan ng mga may-ari ng sikat na fashion brands.

Ngayong at home na siya sa piling ng mga nakilala niya sa media, paniguradong madadalas na ang pagbabalita ni Rosenda sa kanyang achievements. Small o big win man ‘yan! 

Simple pero malalim ang mantra niya.

“Elegance is eternal!” Na siya niyang dala-dala saan mang madako. Kasama ang pagiging mapagpakumbaba sa lahat ng panahon at pagkakaroon ng ginintuang puso. 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …

Cassy Legaspi

Cassy sa serye ng kanilang pamilya: this is our love letter

RATED Rni Rommel Gonzales THANKFUL din si Cassy Legaspi sa seryeng pinagbibidahan ng kanilang buong pamilya, ang Hating …