Thursday , December 18 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Mike Hanopol David Ezra Frannie Zamora

Jeproks ni Mike Hanopol ano nga ba ang ibig sabihin?

RATED R
ni Rommel Gonzales

ICONIC ang hit song na Laki Sa Layaw (Jeproks) ng music legend na si Mike Hanopol.

At mismong kay Mike, after so many years, namin nalaman kung ano talaga ang kahulugan ng salitang “jeproks.”

Ang ibig sabihin pala nito ay binaliktad na “project.”

Ano ngayon itong project? Project ito riyan sa Quezon City. ‘Di ba, ang tawag sa mga lugar diyan, Project 1, Project 2, Project 3, Project lahat iyan,” paglilinaw ni Mike.

Puro Project, ‘di ba? ‘Yung 10, wala na. ‘Yung 1, wala na. Isa-isa na iyan. Project 8 nga, nawala rin. Alam mo kung ano na ngayon? 

“Congressional. Ha! Ha! Ha!

“Kita niyo, isa-isa nang nawawala. Bakit? Kasi, nauubos na ang pera ng tao. Ha! Ha! Ha! 

“Kailangang ibenta.

“Ang Project na lupa riyan sa Diliman, alam niyo lahat ‘yan, UP iyan. UP! ‘Yung lupa riyan, tinawag na Project 1, 2, wala na ‘yung iba ryan… ‘yan ang Project ni President Quezon.

“Quezon. President Quezon. At iyan ay idinonate niya sa UP. Kaya ‘yung Project na ‘yan, kay President Manuel L. Quezon, Okay?

“Noong kasagsagan niyong “Jeproks” kaya naging Jeproks, kasi ang mga audience, followers namin, ay 99.9 percent taga-Project.

“So, ‘pag nagtatanong, backstage na kami, ‘O, nandiyan na ba iyong mga jeprok?’ Doon nag-umpisa iyan, sa UP, jeprok.”

Samantala, isasadula sa Jeproks The Musical ang mga awitin ni Mike. Bida rito si David Ezra na anak ng diva na si Dulce..

Mapapanood ang musical play sa November 21-23 sa 27-30, 2025 sa GSIS Theater, J. W. Diokno Blvd., CCP Complex, Pasay City.

Ito ay ididirehe ni Frannie Zamora (ng Tanghalang Uno Obra), script ni Nicolas Pichay at mula sa produksiyon ng The Hammock Production, Inc. ni Johnny Blue.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Earl Amaba Krystel Go Sylvia Sanchez Sigrid Andrea Bernardo Im Perfect

Sylvia sa I’m Perfect: Hindi namin ‘to ginawa para magpasikat

MATABILni John Fontanilla DREAM come true para sa producer ng Nathan Studios, Sylvia Sanchez na gawin ang pelikulang I’m …

Sex Bomb Rawnd 3 concert Philippine Arena

Sex Bomb Rawnd 3 concert sa Philippine Arena na

I-FLEXni Jun Nardo TAMA kaya ang nabalitaan naming sa Philippine Arena ang Rawnd 3 ng Sex Bomb concert? …

Im Perfect Earl Amaba Krystel Go Sylvia Sanchez Sigrid Andrea Bernardo

I’m Perfect ‘di malayong mag-top grosser, mga bidang Down Syndrome kayang-kayang umarte

I-FLEXni Jun Nardo GUMAWA ng history ang Nathan Studios sa Metro Manila Film Festival dahil sa official entry nito …

Zsa Zsa Padilla Aliw Awards

Zsa Zsa ibabalik Lifetime Achievement Award ng Aliw 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez NANLIIT si Zsa Zsa Padilla pagkatapos hindi mabigyang pagkakataong makapag-speech matapos …