Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Firing Line Robert Roque

Kampanya para sa open bicam

FIRING LINE
ni Robert B. Roque, Jr.

ANONG zarzuela ito? Sa isang press con nitong Miyerkoles, may paandar si Speaker Martin Romualdez — isinusulong niya ang transparency sa bicameral budget conference. At tulad ng isang cheerleader na naiwan sa bleachers, tinangka ni House Minority Leader Rep. Marcelino “Nonoy” Libanan na ibida ang paandar, tinawag itong matapang na hakbangin at tungkulin ng isang may moralidad.

Pasensiya na sa aking pagdududa, pero bagamat sang-ayon akong dapat na may transparency sa bicam, mistulang inuuto lang tayo ni Romualdez para malibang, na parang isang magician. Na para bang wala siyang kinalaman sa magic ng pagba-budget!

Hindi ba’t siya rin ang Speaker na nagpalusot sa bilyon-bilyong pisong paglobo ng confidential funds, insertions, at district-budget?

So, kung mayroon mang dapat na palakpakan sa pananawagan na isapubliko ang mga bicameral conference committee meetings sa pambansang budget para sa susunod na taon, hindi iyon mula sa Kongreso.

Mas gusto kong ibida ang post ni Cielo Magno: Usisain n’yo ang inyong district congressman kung ano ang kanilang pinaninindigan. Hilingin n’yo sa kanila na todong suportahan ang open bicam. I-livestream. Para matutukan ito ng publiko.

Bawat sentimo ng budget na ito ay mula sa atin, kaya karapatan nating igiit ang isang must-know policy, hindi ang need-to-know excuse sa mga biglaang isinisingit sa panukalang budget.

Stranded sa Iran

Sa kasalukuyan, sa Iran, isang Filipino-Iranian na haligi ng tahanan — na ang anak at misis ay parehong Filipino — ang nagmamakaawang mailikas mula sa lugar ng digmaan. Binomba ang bahay nila sa Tehran. Tumakas sila patungong Caspian Sea. Pero dedma sa kanila ang embahada ng Filipinas.

Ang tanging pagkakasala nila? Walang pasaporte bilang Filipino ang kanilang ama. Malinaw naman sa akin — prayoridad ng gobyerno ng Filipinas na ilikas ang mga Filipino. Una, lalamya-lamya na nga ang Presidente na isakatuparan ito — ‘yan ang napag-alaman ko mula sa maraming pamilyang Fil-Iranian doon.

Pero paano nga ba natin tatalakayin ang tungkol sa tunay na mapagmalasakit na pagliligtas, kung sa isang pamilya ng mga nagmamay-ari ng pasaporte ng Filipinas, iniwan sa ere ng gobyerno ang kanilang padre de pamilya dahil sa paniniwalang hindi siya Filipino? Huwag nating kakalimutan: isang lalaking may malalim na ugat sa Filipinas ang pinag-uusapan natin — hindi lang isang Philippine passport.

Hindi ito problema ng iisang pamilyang Fil-Iranian lang, kundi ng napakaraming tulad nila.

         Habang isinusulat ito ay may umiiral na ceasefire. May pagkakataon sa ngayon na maisalba ang mga mixed-race family na ito – lahat ng miyembro ng pamilya — bago pa muling magpaulan ng bomba mula sa kalangitan. Umaasa tayo na bibilisan ng Department of Foreign Affairs (DFA), sa utos ng Presidente, ang epektibong pagkilos para sa kapakanan at kaligtasan ng lahat.

 *         *         *

SHORT BURSTS. Para sa mga komento o reaksiyon, mag-email sa [email protected] o mag-post sa @Side_View sa X app (dating Twitter).

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Robert B. Roque, Jr.

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Bakit hindi dapat agad paniwalaan si Bernardo

AKSYON AGADni Almar Danguilan BAGONG TAON ng 2026 na pero nananatiling walang napaparusahan na “big …

Firing Line Robert Roque

Prangka kaysa pakitang-tao

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. KUNG napanood mo ang recent episode ng “Storycon” sa …

Sipat Mat Vicencio

Kapag bumaliktad si Martin Romualdez, lagot si Bongbong

SIPATni Mat Vicencio NAGKAKAMALI si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., kung inaakalang ligtas na ang …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Rep. Romualdez, dapat kasuhan sa flood control corruption — DPWH Sec. Dizon

AKSYON AGADni Almar Danguilan NANINDIGAN si  Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Opisyal ng BOC at mga tauhan nito pinaiimbestigahan sa isyu ng smuggling

AKSYON AGADni Almar Danguilan PINAIIMBESTIGAHAN sa Malakanyang ang umano’y smuggling activities at korupsiyon sa Bureau …