Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Gabby Concepcion Jak Roberto

Gabby sandigan ni Jack ngayong wasak ang puso

RATED R
ni Rommel Gonzales

MULA sa fantasy series na My Guardian Alien ng GMA na umere noong nakaraang taon kasama si Marian Rivera, sasabak naman sa heavy drama Kapuso series si Gabby Concepcion, sa My Father’s Wife.

Kamusta ang shifting sa isang super heavy drama na serye?

Well, okay naman dito dahil parang Alien din ito, pareho kami ni Jak Roberto sa ibang mundo eh,” umpisang hirit ni Gabby na tinutukoy ang isa sa mga kapwa niya artista sa serye na si Jak Roberto.

So hindi… pero ito si Jak, first time kong makakasama, nagkataon naman na he’s a rider also, we have something in common, all of a sudden, oo.

“Aside from the fact na kasama ko ‘yung sister niya, sa ‘First Lady’ and ‘First Yaya.’”

Younger sister ni Jak si Sanya Lopez na leading lady ni Gabby sa dalawang nabanggit na Kapuso shows.

Kinumusta naman namin ang puso ni Gabby ngayon. Ano ang advice niya sa mga “sira” ang puso?

“Well, eto na nga, kaya kami nagsasama ni Jak kasi marami kaming pag-uusapan, kasi siyempre ‘yung mga nangyayari sa showbiz, eh pang-showbiz lang talaga. So ‘pag nag-beach kami, siyempre mag-uusap kami ng kung ano-ano, pag-uusapan namin.”

Yayayain niya si Jak sa kanyang beach house sa Batangas.

“So iyon, siguro next interview na lang, sayang ‘yung information,” at muling tumawa ang aktor.

Pero sa pagkakaalam ni Gabby sa mga naganap, ang breakup nina Jak at Barbie Forteza, ano ang puwede niyang words of wisdom sa kasamahang aktor ngayon?

“Wala, move on lang, move on. Move forward. We don’t forget about the past, it’s hard to forget but we learn from it.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …