INAASAHAN ng Kamara de Representantes ang paglawak ng suporta para isapubliko ang talakayan sa Bicameral conference committee sa pambansang budget sa darating na taon.
Ang kampanya na tinawag na “#OpenBicam” campaign ay suportado ng liderato ng Kamara de Representantes.
“We are looking forward na magkaroon ng enough na suporta para mabuksan ang bicam. Para lahat ay makikita ‘yung proseso,” ayon kay Atty. Princess Abante, tagapagsalita ng House of Representatives, sa isang media briefing nitong Lunes.
Ang mungkahi, na suportado ng mga nagbabalik na mambabatas at mga lider ng institusyon, ay naglalayong pahintulutan ang mga Filipino na masaksihan sa real time kung paano pinagkakasunduan ng Senado at Kamara ang pinal na bersiyon ng pambansang budget.
Sinabi ni Abante na buo ang suporta ng liderato ng Ika-19 na Kongreso, sa inisyatibang ito bilang pagpapatuloy ng matagal nang adbokasiya ng mababang kapulungan na gawing mas bukas ang kanilang mga proseso sa paggawa ng batas.
“Yes, definitely Speaker Martin Romualdez welcomes ‘yung open bicam na maging transparent sa lahat ‘yung proseso ng pagbalangkas ng ating pagsasaayos at pag-aaproba ng budget ng ating bansa,” pahayag ni Abante, patungkol sa deliberasyon sa pambansang budget na karaniwang nagsisimula pagkatapos ng State of the Nation Address (SONA).
Ang bicameral conference committee sa pambansang budget ang nagsisilbing huling yugto ng pagdedesisyon matapos maipasa ng Kamara at Senado ang magkahiwalay na bersiyon ng General Appropriations Bill.
Binigyang-diin ni Abante na hindi na bago sa Kamara ang transparency.
Dagdag niya, kasalukuyan nang napapanood nang live at bukas sa publiko ang mga pagdinig ng mga komite hinggil sa budget.
“Kaya nga open sa lahat ang pagpapanood ng mga committee hearings,” aniya.
Ang plano na palawigin ang ganitong praktis sa bicameral conference ay bahagi ng mas malawak na kampanya para institusyonalisahin ang transparency sa pamamahala ng pondo ng bayan.
“I support the move to make bicameral conference committee discussions open to the public. This is a crucial step in restoring public trust and ensuring that the national budget truly reflects the will and welfare of the people,” ayon kay Romualdez.
“We passed key accountability measures. Now we must build on that momentum by opening the most sensitive and final stages of the legislative process to the Filipino people,” dagdag niya. (GERRY BALDO)
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com