MATABIL
ni John Fontanilla
DALAWANG Pinay ang nakakuha ng korona sa katatapos na 2025 Miss Supranational na ginanap last June 27 sa Poland.
Itinanghal na 3rd runner-up ang kinatawan ng Pilipinas na si Tarah Valecia, samantalang ang half Pinay, half German na si Anna Lakrini na kinatawan naman ng Germany ay wagi bilang 1st runner-up.
Kinoronahan naman bilang 2025 Ms Supranational si Ms Brazil at 2nd runner-up si Ms Curacao, at 4th runner-up si Ms Puerto Rico. Ito ang kauna-unahang korona ng Brazil sa Miss Supranational.
Winner naman bilang Continental Queens sina Indonesia (Asia and Oceania), USA (America), Zambia (Africa), Iceland (Europe), at Dominican Republic (Carribean).
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com