Monday , December 15 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
QCPD Quezon City

3 kawatan ng simbahan, dakip sa 2-min responde

SA LOOB ng dalawang minuto, naaresto ng mga operatiba ng Quezon City Polie District (QCPD) ang tatlong lalaki na nagnakaw sa construction site ng simbahan sa Barangay Bungad, sa lungsod, ayon sa ulat nitong Linggo.

Alinsunod ito sa direktiba ni Philippine National Police (PNP) chief, P/Gen. Nicolas D. Torre III, na tiyaking mabilis ang pagtugon ng serbisyo sa publiko.

Ayon kay National Capital Region Police Office (NCRPO), Director, PMGen. Anthony Aberin, dakong 7:05 ng umaga, nakatanggap ng tawag sa 911 na puwersahang pumasok sa construction area ng isang simbahan sa West Avenue ang tatlong lalaki at nagnakaw ng mga copper tube mula sa air-conditioning system nito.

Matapos suriin ng mga pulis-QCPD ang CCTV footage, may nakitang tricycle malapit sa simbahan na nagsilbing getaway vehicle ng mga suspek.

Sa loob ng dalawang minuto, sa tulong ng mga opisyal ng barangay at follow-up investigators, agad isinagawa ang hot pursuit operation kaya nadakma agad ang tatlong suspek, at narekober ang tricycle na ginamit sa pagnanakaw.

               “Arriving within two minutes from the call for assistance shows our people that they are never alone in times of danger. This is the standard we continue to uphold in line with the directive of our Chief PNP, PGen.  Nicolas D. Torre III — police who are alert, visible, and ready to serve 24/7,” pahayag ng NCRPO chief. (ALMAR DANGUILAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Almar Danguilan

Check Also

Goitia

Goitia: Gawang-Pilipinas na COBRA System, Hudyat ng Bagong Yugto sa Pambansang Depensa

Ang pag-turn over ng gawang-Pilipinas na Controller Operated Battle Ready Armament (COBRA) automated weapon system …

fake news

Walang pasok sa 26 at 29 Nobyembre fake news — Recto

FAKE NEWS ang Memorandum Circular 47 na nagsasabing walang pasok sa mga tanggapan ng gobyerno …

Money Bagman

AICS ng DSWD ‘kinupitan’ 14 barangay execs sinampahan ng kaso

NAGHAIN ng reklamo ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Office of the …

Vigor Mendoza LTFRB

LTFRB Ch Mendoza pumalag vs 3 insurance management ng IC

MISMONG si Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Vigor Mendoza ang humiling sa …

Aleah Finnegan SEAG

Finnegan nasungkit ang pangalawang ginto sa SEA Games

BANGKOK — Muling pinatunayan ni Paris Olympian Aleah Finnegan na siya ang pinakamakinang na bituin …