Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
PNP Pulisteniks

Tabatsingtsing na parak papayat sa “Pulisteniks”

TARGET ng Philippine National Police (PNP) na bawasan ang timbang ng matatabang pulis sa pamamagitan ng pagbabalik ng “Pulisteniks”.

Sa pagbabalikng “Pulisteniks” bilang katugunan sa direktiba ni PNP Chief, Gen. Nicolas Torre III, tiyak na maraming matatabang pulis ang papayat o magiging mas maayos ang kalusugan.

Ang Pulisteniks ay bahagi ng physical fitness conditioning program ng PNP.

Ayon kay Gen. Torre,  ang  regular physical conditioning program o mas kilala bilang “Pulisteniks” ay gagawin tuwing Martes at Huwebes.

“This initiative is not just about stretching or running laps. It is about recognizing a simple truth that too often gets overlooked: A healthy body is a healthy mind,” pahayag ni Torre.

Dagdag ni Torre, dapat gawing bahagi ng lifestyle ng isang pulis ang pagiging malusog, pagkakaroon ng malinaw  na isipan, matatag ang loob, at mabilis ang kilos.

Sa pagkakaroon ng maayos na pangangatawan ng mga pulis, magagampanan nila nang  maayos ang kanilang mandato.

Umaasa si Deputy Chief PNP for Administration, Police Lt. Gen. Jose Melencio Nartatez Jr., na susunod ang lahat ng pulis para mas epektibong PNP. (ALMAR DANGUILAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Almar Danguilan

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …