TINIYAK ng Philippine National Police (PNP) na may nakalatag na silang “pro-active” na mga hakbang kasunod ng tumitinding tensiyon sa pagitan ng mga bansang Israel at Iran.
Ang paniniyak ay ginawa ni PNP Spokesperson P/BGen. Jean Fajardo kasabay ng pahayag na 24/7 ang monitoring ng PNP sa sitwasyon.
Sinabi ni Fajardo, mahigpit na binabantayan ang mga vital installations kabilang ang mga embahada gayondin ang matataong lugar upang masiguro ang kaligtasan ng publiko.
Doble higpit din ang pagbabantay ng PNP sa sitwasyon ng mga overseas Filipino workers (OFWs) sa mga apektadong bansa.
Nakahanda silang umalalay sa sandaling kailanganin ang puwersa sa pamamagitan ng kanilang UN Peacekeeping contingents. (ALMAR DANGUILAN)
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com