Thursday , August 21 2025
Innervoices Gary Valenciano

Patrick ng Innervoices gustong makadaupang palad si Gary V

RATED R
ni Rommel Gonzales

PABORITONG singer ni Patrick Marcelino ng grupong Innervoices si Gary Valenciano, although hindi pa siya nagkakaroon ng pagkakataon na makadaupang-palad si Mr. Pure Energy.

Hopefully one day po talaga ay ma-meet ko siya personally. I’m a big fan, number one po sa mga local artist dito sa Pilipinas.

“Siya po talaga ‘yung number one favorite singer ko,” anang bagong bokalista ng grupo.

Eighteen years old si Patrick noong nagsimula siyang magbanda, pinagsabay niya ang pagkanta at pag-aaral sa kolehiyo.

“I’m going to school in the morning and singing at night,” kuwento ni Patrick.

Paano siya napasok sa Innervoices?

O, magandang question po! It started in Molito, Alabang po, I was working with Joseph like acoustic lang, with the piano and me and another female singer.”

Ang iba pang miyembro ng grupo ay ang leader at keyboardist na si Atty. Rey at sina Joseph Cruz(keyboard), Joseph Esparrago (drum), Alvin Hebron (bass), Rene Tecson (lead guitar).

Pagpapatuloy pa ni Patrick, “So kumakanta po kami sa Molito, Alabang every Friday and si Joseph po talaga ang nag-introduce sa akin kay Sir Rey.

“So roon po kami unang nagkita, three years ago po and then iyon, noong nakilala ko na po si Sir Rey, nag-start na rin po ang Innervoices with Angelo.”

Si Angelo Miguel ang dating bokalista ng grupo.

Kuwento pa ni Patrick, “‘Pag hindi po talaga nakakasampa si Angelo sa gigs, ako po talaga ‘yung tinatawagan ni Sir Rey. Kumbaga ako ‘yung substitute singer lang ni Angelo that time.

“So roon po nag-start.

“Kaya ngayon po hindi po talaga ako nahihirapang makipagtrabaho sa kanila kasi pretty much of Angelo’s song naman nakakanta ko naman.”

At nagkakaisa ang maraming nakakapanood ng shows ng Innervoices na very good choice si Patrick na maging bokalista at maging kapalit ni Angelo.

Ang mga bagong kanta ng grupo ay ang Meant To Be nanilikha ni Atty. Rey Bergado, at ang Idlip, Galaw, T. H. A. L. (Tubig, Hangin, Apoy, Lupa), Saksi Ang Mga Tala, Handa Na Kitang Mahalin, at ang Sayaw Sa Ilalim Ng Buwan.

Inilunsad ang mga kanta kamakailan sa 19 East Bar and Restaurant na pag-aari ni Wowee Posadas.

Napapanood din sila sa Hard Rock Café sa Ayala at sa Aromata sa Scout Lazcano.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Belle Mariano Carlo Katigbak Mark Lopez Cory Vidanes Rick Tan Laurenti Dyogi Edith Fariñas

Belle Mariano naiyak matapos pumirma ng kontrata sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez PUMIRMA sa kauna-unahang pagkakataon ng kontrata kahapon si Belle Mariano sa …

BINI nagsampa ng kaso

BINI nagsampa ng kaso; P1-M danyos sa bawat miyembro

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez PORMAL nang nagsampa ng reklamo ang BINIlaban sa hindi pa pinangalanang …

Vince Maristela

Vince naging inspirasyon kuwento ng buhay ng mga housemate

RATED Rni Rommel Gonzales ISA sa mga dating housemates sa Bahay Ni Kuya sa nakaraang …

Josh Ford

Josh naiiyak ‘di kayang panoorin journey sa PBB

RATED Rni Rommel Gonzales MARAMING memories si Josh Ford sa loob ng PBB house noong …

Michael Sager

Michael Sager natuwa sa solidong samahan sa PBB collab

RATED Rni Rommel Gonzales NOMINASYON ang nais kalimutan ni Michael Sager at ang Tower of …