Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Fire

Lasing na-trap sa sunog

PATAY ang isang hindi kilalang lalaki na hinihinalang  nakainom dahilan upang hindi nakalabas sa nasusunog na inuupahang silid sa Quezon City nitong Miyerkoles ng madaling araw.

Sa report ng QC Fire Department, dakong 2:00 ng madaling araw nang sumiklab ang sunog sa sa ikalawang palapag ng 2-storey residential at commercial building na sinabing lumang gusali sa kanto ng Zambales St., sa Barangay San Martin De Porres, Cubao, Quezon City.

Batay sa imbestigasyon, bago ang insidente ay nakita umano ng mga kapitbahay na umuwing lasing ang biktima kaya posibleng hindi ito nagising habang nasusunog ang kaniyang inuupahang silid.

“Nakalabas na ‘yung ibang residente doon pero tanging ang ‘di pa nakikilalang boarder ang hindi nakalabas,” ayon sa report.

Agad naapula ang apoy makalipas ang 40 minuto.

Patuloy ang imbestigasyon sa sanhi ng sunog na umabot sa unang alarma. (ALMAR DANGUILAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Almar Danguilan

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …