RATED R
ni Rommel Gonzales
IKINAGULAT namin na hindi pala nagkaroon ng relasyon noong araw sina Gabby Concepcion at Snooky Serna.
Ni ligawan ay walang namagitan sa kanila noong kabataan nila.
All the while, akala namin ay hindi lamang sila basta onscreen loveteam na nagsama sa maraming pelikula, na nagkaroon din sila ng something in real life. Hindi pala. At si Gabby mismo ang nagkompirma nito sa amin.
Nasa My Father’s Wife rin kasi si Snooky na ang bida ay sina Gabby, Kazel Kinouchi, at Kylie Padilla.
At nang kumustahin namin ang balik-tambalan nila ni Snooky, dito na naganap ang rebelasyon.
Sagot ni Gabby, “Naku nami-miss ko na nga ‘yang si Snooky eh, kaya noong nakita ko si siya, ‘Snooky, you have not aged a single day, you still look the same. The last time I saw you sa ‘Miracle of Love,’” at tumawa si Gabby.
Ang Miracle Of Love ay ang pelikula nila noong 1982 kasama ang flight attendant na naging aktres na si Roxanne Abad Santos na binawian ng buhay ilang linggo bago maipalabas ang kanilang pelikula dahil sa sakit na leukemia sa edad na 24.
Una ngang beses na pagsasama nina Gabby at Snooky sa isang serye, at ito nga sa My Father’s Wifeng GMA.
“Ngayon lang,” sambit ni Gabby.
Ano ang reaksiyon ni Gabby nang nalamang magsasama sila ni Snooky sa isang serye for the first time?
“Si Snooky kasi was never my…you know, nothing personal. Nagkaroon kami ‘yung love team, love team lang, pero mayroon siya talagang tunay na buhay na love eh.
“So ang tingin ko kay Snooky parang kapatid lang na parang walang emotional attachment as far as romance is concerned.”
At iyon na nga, hindi niya niligawan si Snooky noong araw na mga binata at dalaga pa sila?
“Wala lang. Hindi lang ano eh, masyado pa kaming bata noon. Parang hindi pa namin iniisip ‘yun,” sambit ni Gabby nang tanungin kung bakit hindi niya niligawan ang aktres.
Napapanood ang My Father’s Wife, 2:30 p.m. sa GMA Afternoon Prime sa direksiyon ni Aya Topacio at kasama rin sina Jak Roberto, Arlene Muhlach, Maureen Larrazabal, Sue Prado, at Andre Paras.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com