Sunday , March 15 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Max Eigenmann Redd Arcega

Max kaiinggitan sa matinding eksena kay Redd

RATED R
ni Rommel Gonzales

MAPANGAHAS ang Pinakamahina na episode 1 ng Ninang na online digital series ni Darryl Yap na siya ang sumulat at direktor.

Lead actress dito si Max Eigenmann bilang si Jen na ang bestfriend niyang babae ay may anak na guwapong binata, si Alfred na ang gumaganap ay ang baguhang artista na si Redd Arcega.

Highlight ng serye ang nakawiwindang na pagdakma ni Alfred sa kamay ng bestfriend ng nanay niya at idinakot sa mismong pagkalalaki niya.

Kaya mapapatanong ang sinumang makakapanood nito ng, “Gaano nga ba kapusok ang kabataan ngayon na tulad ni Alfred?

“Gaano katuwid ang mas nakakaalam at mas nakatatanda na tulad ni Jen?”

Napapanood na ang online series sa Facebook at Youtube  channel ng Vincentiments.

Sigurado kami, maraming makare-relate kay Max bilang si Jen.

Tiyak, maraming maiinggit kay Max sa eksena nila ni Redd.

At si Redd, napakaguwapo, hawig siya sa Sparkle/Kapuso leading man na si Gil Cuerva.

At ang acting ni Redd, may lalim, may angas, parang hindi newbie.

Ang episode 2 ay mapapanood sa June 25.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

The Silent Noise

The Silent Noise Blue Carpet premiere dinumog

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez DINAGSA ang star-studded blue carpet celebrity premiere ng bagong seryeng The Silent …

The Age Is Right Eat Bulaga

The Age Is Right ng Eat Bulaga click sa viewers

WALANG masyadong excitement ang bagong segment ng Eat Bulaga na The Age Is Right nang magsimula. Pero habang tumatagal …

Rabiya Mateo

Rabiya Mateo lalayasan na ang showbiz

I-FLEXni Jun Nardo PLANO na ng beauty queen na si Rabiya Mateo na lumayas na sa …

Cecille Bravo Disco Forever D4E

Negosyanteng si Cecille Bravo may pasabog sa dance concert

MATABILni John Fontanilla IBINAHAGI ng businesswoman, Philanthropist na si Ms Cecille Bravo na pinasok na rin ang …

Jillian Ward Eman Bacosa Pacquiao

Jillian blooming dahil daw kay Eman Bacosa

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa social media ang mga larawang ipinost ng Kapuso …