Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Arrest Posas Handcuff

Bagitong karnaper nasakote sa habulan

ISANG kaso ng carnapping ang mabilis na naresolba matapos ang agarang aksiyon ng pulisya at ng mga tanod, na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek at pagbawi sa ninakaw na motorsiklo sa Baliwag, Bulacan nitong Lunes, 23 Hunyo.

Sa ulat na isinumite kay P/Col. Franklin Estoro, officer-in-charge ng Bulacan PPO, dakong 10:30 ng gabi nang mangyari ang insidente sa Brgy. Virgen Delas Flores, sa nabanggit na lungsod.

Sa imbestigasyon, iniwan ng biktima ang kanyang motorsiklong Honda Alpha 125, may plakang 635WHN, sa harap ng bahay ng kanyang kasintahan na siya niyang sinundo.

Ilang sandali lamang ay narinig ng biktima ang tunog ng kanyang motorsiklo at nang lumabas ay nakita ang suspek na kinilalang si alyas Tame, 37 anyos, residente sa nabanggit na barangay, habang tinatangka itong tangayin.

Matapos ang maikling habulan, nahuli ang suspek at dinala sa Barangay Hall ng Brgy. Sto. Cristo sa dinala sa Baliwag CPS para sa nararapat na imbestigasyon at dokumentasyon.

Napag-alaman na bagitong karnaper ng motorsiklo ang suspek kaya hindi alam ang pasikot-sikot sa pagtakas kaya madali siyang nasakote ng mga awtoridad.

Kasalukuyang inihahanda ang kaukulang kasong paglabag sa RA 10883 (New Anti-Carnapping Act of 2016) laban sa suspek upang maisampa sa Tanggapan ng Provincial Prosecutor. (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …