Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Mad Ramos Sparkle Campus Cutie

Mad Ramos kauna-unahang  Sparkle Campus Cutie

RATED R
ni Rommel Gonzales

ISANG Muslim ang pinakaunang Campus Cutie winner ng Sparkle GMA Artist Center.

Ito ay ang 19 year-old na si Mad Ramos na estudyante sa University of Santo Tomas.

Hindi inakala ni Mad na siya ang mananalo mula sa 20 Campus Cutie contestants na na-trim down hanggang top 10 hanggang sa idineklara na ngang winner si Mad.

Lahad niya, “Kasi parang sa una, I got shy. Mahiyain ako. Hindi ako nakakapag-step-up sa workshops, challenges.

“Sa dulo na ako nakabawi. So, hindi ko talaga ine-expect. 

“I’m very happy.”

Para sa kanya, ang ipinamalas niyang charisma sa workshop sa dulo ng laban ang nagpanalo sa kanya.

Feeling ko, roon nagtuloy-tuloy. Mas napansin ako ng mga mentor ko.

“And I’m happy sa mga kaibigan ko, mga Campus Cuties din. I’m very happy na naging kaibigan ko sila at isa rin sila sa nakatulong sa akin.”

Kapwa Muslim ang mga magulang ni Mad.

Ayon pa kay Mad, nais niyang patunayan na kaya rin ng mga katulad niyang Muslim ang makipagsabayan sa iba sa industriya ng showbiz.

Gusto kong i-represent ang Muslim community. Kayang-kaya nating makipagsabayan sa ganitong industry. Kasi, kaunti lang naman ang sumusubok sa ganito.

“So ako na, ako na ang nag-step-up to represent the Muslim community. And sana, maging proud kayo sa akin. Ipagpapatuloy ko ‘to para sa inyong lahat.”

Para sa kanya, ang adbokasiya ang nagpanalo sa kanya.

Hindi siya malaking factor, it’s one of the factors.

“Kasi, ‘yung pagiging artista, hindi naman sa religion. I think, it’s the talent, personality, at kung paano ka makisama sa mga tao.

“And kung willing ka pang matuto, kung passionate ka ba. At kung may star factor ka ba.

“And siyempre, kasama na rin ang charisma. Siguro roon ako nag-step-up.”

Ang judges sa Campus Cutie ay sina Atty. Annette Gozon-Valdez (GMA senior VP), Joy Marcelo(first vice-president of Sparkle and Talent Development and Management), Aloy Adlawan (creative director of GMA Entertainment Group), Ryuji Shiomitsu (partner fashion stylist at Bench), Japs Jaring(production manager), at Eason de Guzman (digital marketing manager and content lead at Honor Philippines).

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

MMFF Parade

Parade of Stars sa Dec 19

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Samantala, sa December 19, 2025 (Friday) naman magaganap ang Parade of Stars sa …

Tonton Gutierrez im perfect

Tonton sobrang humanga sa mga bidang may Down Syndrome: Ang husay nilang umarte  

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez INAMIN ni Tonton Gutierrez na nasorpresa siya sa galing ng mga kasama nilang …

Bianca de Vera

Bianca ‘di inaasahan pagdagsa ng blessings

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez TAMPOK si Bianca de Vera sa huling Star Magic Spotlight presscon ng taon-ibinahagi niya ang …

TobaccOFF NOW

TobaccOFF NOW! Pre-Screening Event pangungunahan ng mga kabataan 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez DALAWAMPU’T LIMANG kabataang filmmakers mula sa buong bansa ang maglalahad ng …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …