Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Innervoices Atty Rey Bergado

Lider ng Innervoices advocacy ang tumulong sa mga musikero

RATED R
ni Rommel Gonzales

MY advocacy is to help musicians talaga,” saad ni Atty. Rey Bergado na leader at keyboardist ng grupong Innervoices.

“I’m not here para sa sarili ko. Kasi coming from the industry, when I was really young and in college gusto ko ring tumulong,” pahayag pa niya.

Kaya kapag may mga songwriter o composer na may isinulat na awitin na hindi agad mai-record at mai-release ay tumutulong si Atty. Rey sa pamamagitan ng pagre-record ng kanyang grupo sa mga naturang kanta.

At heto nga at pitong bagong orihinal na awitin ang ini-record nila ang ilulunsad sa Miyerkoles, June 25 sa 19 East live music venue sa E Service Rd., Muntinlupa City na pag-aari ni Wowee Posadas.

Ang mga kantang ito ay ang Meant To Be na nilikha ni Atty. Rey, at ang Idlip, Galaw, T. H. A. L. (Tubig, Hangin, Apoy, Lupa, Saksi Ang Mga Tala, Handa Na Kitang Mahalin, at ang Sayaw Sa Ilalim Ng Buwan.

May bagong bokalista ang grupo, si Patrick Marcelino, na pumalit kay Angelo Miguel.

Kuwento ni Atty. Rey, “Nang umalis si Angelo, kinausap ko silang apat.”

Ang iba pang miyembro ay sina Joseph Cruz (keyboard), Joseph Esparrago (drum), Alvin Hebron(bass), at Rene Tecson (lead guitar).

“So I asked each and everyone of them ‘Angelo is leaving so tayo ang maiiwan, so ano ba ‘yung gusto niyo? Mayroon ba kayong sariling plano?’

“Binigyan ko sila ng laya. And when everyone told me that they what to continue, I have to continue.

“So okay, sabi ko gagawin ko lahat para mabuhay pa ‘yung banda, matuloy natin, hahanap ako ng singer, as long as buo tayong lima.

“Kasi ‘pag may isa pang nawala sa amin sabi ko mahihirapan na ako niyon.

“So since buo ‘yung lima, kailangan ko lang maghanap ng singer hindi ako nahirapan na itayo ulit ang banda.”

At natagpuan nga nila si Patrick na actually ay noon pa nila nakakatrabaho dahil ito ang sumasampa kapag may gig sila at absent si Angelo.

And with new materials, lalong lumakas ‘yung loob ko,” sinabi pa ni Atty. Rey.      

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …