Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos supalpal kay House Spox Princess Abante

SIPAT
ni Mat Vicencio

MARAMI ang nagtataka kung bakit sa kabila ng panalo ni Senator Imee Marcos nitong nakaraang senatorial elections ay lalong naging ‘asimo’ at ‘negatron’ ang asal ng senadora.

Ito ba ay dahil sa kulelat si Imee sa nagdaang halalan? Pasang-awa at parang pinagbigyan lang ng pagkakataon at sinuwerte na makalusot kahit nakalambitin na sa bangin ang kanyang kandidatura?

Kung totoo kasing merong malasakit si Imee at tunay na may lahing Waray, sa halip na mambulabog sa isyu ng San Juanico Bridge, dapat sigurong tumulong na lang o manahimik ang senadora.

Supalpal tuloy ang inabot ni Imee kay House Spokesperson Princess Abante nang isa-isahin ang pondong inilaan ng Mababang Kapulungan ng Kongreso na nagkakahalaga ng kabuuang P399.1 million sa rehabilitasyon at repair ng San Juanico Bridge simula pa noong 2018.

Base sa datos ng DPWH, nakapaglaan ng budget na P27 million noong 2018; P22.2 million noong 2019; P105 million noong 2021; P4.3 million, para sa emergency repairs, at P90.6 million noong 2022; at P150 million noong 2023.

Dapat din isipin ni Imee na simula noong 1998 hanggang 2007 ay isa siyang kongresista at aktibo sa maiinit na isyu pero wala man lamang ni isang press release o pahayag ang senadora tungkol sa rehabilitasyon ng San Juanico Bridge.

Tanong pa ni Princess kay Imee: “Ano na po ba ang aktuwal ninyong ambag sa San Juanico Bridge? 

Pahabol pa ni Princess: “Kahit karatulang may nakalagay na… ‘This way to San Juanico Bridge’ man lang, meron ba?”

Hahaha, nakahanap ng katapat si Imee!

Sabi nga sa Waray…“Inay man daw, Imee, kasamok mo na babahignit ka! Bulig na gad la!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Mat Vicencio

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Bakit hindi dapat agad paniwalaan si Bernardo

AKSYON AGADni Almar Danguilan BAGONG TAON ng 2026 na pero nananatiling walang napaparusahan na “big …

Firing Line Robert Roque

Prangka kaysa pakitang-tao

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. KUNG napanood mo ang recent episode ng “Storycon” sa …

Sipat Mat Vicencio

Kapag bumaliktad si Martin Romualdez, lagot si Bongbong

SIPATni Mat Vicencio NAGKAKAMALI si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., kung inaakalang ligtas na ang …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Rep. Romualdez, dapat kasuhan sa flood control corruption — DPWH Sec. Dizon

AKSYON AGADni Almar Danguilan NANINDIGAN si  Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Opisyal ng BOC at mga tauhan nito pinaiimbestigahan sa isyu ng smuggling

AKSYON AGADni Almar Danguilan PINAIIMBESTIGAHAN sa Malakanyang ang umano’y smuggling activities at korupsiyon sa Bureau …