Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Gun poinnt

Apat na miyembro ng agaw-motorsiklo umatake, negosyante pinatay

PATAY ang isang negosyante matapos atakihin at pagbabarilin ng apat na kawatan na tumangay pa sa kanyang motorsiklo sa Bagbaguin, Santa Maria, Bulacan kamakalawa ng madaling araw.

Sa ulat mula kay P/Lt.Colonel Voltaire Rivera, hepe ng Santa Maria Municipal Police Station (MPS), ang biktima ay kinilalang si Crisaldo Dela Cruz y Mendoza, 37-anyos, residente ng #102 Mendoza St., Sto. Tomas, Santa Maria, Bulacan.

Samantala, batay na rin sa ulat, ang mga suspek ay apat na hindi nakikilalang kalalakihan na sakay ng dalawang NMax motorcycles.

Ayon sa panimulang imbestigasyon ng mga tauhan ng Santa Maria MPS, naganap ang insidente dakong ala-1:45 ng madaling araw sa Bagbaguin, Santa Maria.

Napag-alamang ang motorsiklo ni Mendoza, na isang Yamaha NMX, kulay itim na may plakang  362 QFN ay inagaw ng mga suspek at saka binaril ang biktima.

Ang inagaw na motorsiklo ay ginamit pang getaway vehicle ng mga suspek sa kanilang pagtakas samantalang ang biktima ay naisugod pa sa Rogaciano Mercado Memorial Hospital  subalit habang nasa ilalim ng medical treatment ay idineklara itong “dead’ ng attending physician na si Adriel Jashen C. Cercenia M.D.

Sa kasalukuyan ay patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga tauhan ng Santa Maria MPS upang matukoy at maaresto ang mga suspek. (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …