Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Rogelio Pojie Peñones

P/BGen. “Pojie” Peñones, opisyal nang uupo bilang bagong RD ng Central Luzon

PORMAL nang uupo ngayong Lunes, 23 Hunyo, bilang bagong Regional Director ng Police Regional Office 3 (PRO3) si P/BGen. Rogelio “Pojie” Peñones kapalit ni P/BGen. Jean Fajardo na itinalaga bilang bagong director ng Comptrollership  sa Camp Crame.

Kinompirma mismo ni P/BGen. Peñones sa isang text message ang balita.

“Yes, I will assume Monday as RD for Central Luzon,” paglilinaw niya sa mga naunang ulat na siya ay ililipat sa Region 6.

Si Gen. Peñones ay kilalang mapagkumbaba, maka-Diyos, at isang PNPA graduate na may malawak na karanasan sa serbisyo.

Bago italaga sa Region 3, nagsilbi siya bilang Deputy Regional Director for Administration ng NCRPO, pinuno ng PNP Legislative Affairs Center, dating Director ng Northern Police District, at Zambales PPO.

Hindi lingid sa publiko ang kaniyang pananampalataya sa Diyos, gamit ang Facebook handle na “Pojie Peñones Jr.” kung saan madalas siyang magbahagi ng Bible verses.

Matatandaang minsang naging target ng international gun smuggling syndicate si P/Gen. Peñones noong siya ay CIDG Zambales Chief.

Siya at ang batikang mamamahayag na si Mar Supnad ay nakatanggap ng death threat mula sa sindikato ni Paul Calder-Le Roux, isang South African IT expert na naging big-time crime lord.

Ayon sa kuwento, si Le Roux ay nagpaulan ng sandata sa baybayin ng Mariveles, Bataan.

Dahil sa sunod-sunod na imbestigasyon at pagbubunyag ng mga artikulo ni Supnad, galit na galit si Le Roux at nag-utos na sila ay ipapatay.

Ngunit sa tulong ng masusing operasyon, ang inupahang hitman na si Baricuatro ay naaresto matapos pumatay ng ibang tao sa Makati.

Kalaunan ay inamin ni Baricuatro na sila nga ang target niya.

Batay sa aklat na “The Mastermind” ni US journalist Evan Ratliff, ginamit umano ni Le Roux ang Filipinas bilang base ng kanyang mga operasyong kriminal mula pa noong 2007 dahil sa ‘maluwag’ na sistema sa bansa.

Ngayon, bilang bagong pinuno ng PRO3, baon ni P/BGen. Peñones ang matibay na paninindigan, dedikasyon, at pananampalataya sa pagsugpo sa kriminalidad at pagpapaigting ng disiplina sa buong rehiyon. (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Babys Day Out sa Bohol

Gumala habang nag-aaway si nanay at tatay
Baby’s day-out sa kanyang first birthday

NAALALA ba ninyo ang pelikulang Baby’s Day Out noong 1994?         Puwes nangyari ang isang …

Landers Fairview Fire

LANDERS SUPERSTORE SA FAIRVIEW NATUPOK
5 fire volunteers iniimbestigahan

ni ALMAR DANGUILAN TILA BUONG-BUONG nilamon ng apoyang sangay ng Landers Superstore sa kanto ng …

arrest, posas, fingerprints

Nagpanggap na pulis, kelot timbog sa panloloko

ARESTADO ang isang lalaki matapos magpanggap na pulis at manloko ng isang tindero sa pamamagitan …

Dead body, feet

8-anyos anak patuloy na hinahanap, bangkay ng aleng pulis natagpuan

NATAGPUAN ang wala nang buhay na katawan ng isang babaeng pulis na mahigit isang linggo …

FDNY China WPS

Mga Makabayang Grupo Kinondena ang Agresyon ng China sa West Philippine Sea

Nagdaos ng kilos-protesta ang Filipinos Do Not Yield Movement (FDNY), kasama ang mga lider at …