Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
sex video

Malalaswang larawan bantang ikalat kelot timbog sa blackmail

ARESTADO ang isang lalaki matapos magsagawa ng entrapment operation ang mga operatiba ng Nueva Ecija Provincial Cyber ​​Response Team dahil sa pananakot at panggigipit sa isang babae gamit ang malalaswang video sa lungsod ng Cabanatuan, lalawigan ng Nueva Ecija.

Kinilala ang suspek na si alyas Randy, 22 anyos, nahaharap sa mga kasong paglabag sa Articles 286 (Grave Coercion) at 315 (Estafa/Swindling) ng Revised Penal Code; RA 9995 (Anti-Photo and Video Voyeurism Act of 2009), at RA 9262 (Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004), lahat ay alinsunod sa Section 6 ng RA 10175 (Cybercrime Prevention Act of 2012).

Kaugnay sa pagkaaresto kay alyas Randy, pinuri ni P/BGen. Bernard Yang, acting director ng PNP Anti-Cybercrime Group, ang Nueva Ecija PCRT sa matagumpay na operasyon.

Ayon sa opisyal, ang paggamit ng intimate content sa pananakot o pananamantala sa iba ay isang matinding pagkakasala sa batas.

Dagdag niya, ang PNP ACG ay nananatiling matatag sa kanyang misyon na protektahan ang mga biktima at tiyaking mananagot ang mga nang-aabuso.

Hinimok din niya ang publiko na magsalita o iulat ang mga krimeng tulad nito, at tumulong na maputol ang mga kahalintulad na online harassment. (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Babys Day Out sa Bohol

Gumala habang nag-aaway si nanay at tatay
Baby’s day-out sa kanyang first birthday

NAALALA ba ninyo ang pelikulang Baby’s Day Out noong 1994?         Puwes nangyari ang isang …

Landers Fairview Fire

LANDERS SUPERSTORE SA FAIRVIEW NATUPOK
5 fire volunteers iniimbestigahan

ni ALMAR DANGUILAN TILA BUONG-BUONG nilamon ng apoyang sangay ng Landers Superstore sa kanto ng …

arrest, posas, fingerprints

Nagpanggap na pulis, kelot timbog sa panloloko

ARESTADO ang isang lalaki matapos magpanggap na pulis at manloko ng isang tindero sa pamamagitan …

Dead body, feet

8-anyos anak patuloy na hinahanap, bangkay ng aleng pulis natagpuan

NATAGPUAN ang wala nang buhay na katawan ng isang babaeng pulis na mahigit isang linggo …

FDNY China WPS

Mga Makabayang Grupo Kinondena ang Agresyon ng China sa West Philippine Sea

Nagdaos ng kilos-protesta ang Filipinos Do Not Yield Movement (FDNY), kasama ang mga lider at …