Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Nicolas Torre III Rendon Labador PNP

Fitness instructor itinanggi ng PNP

WALANG kinukuha o pinahintulutan na maging fitness instructor para sa mga physical fitness program ang Philippine National Police (PNP) para sa buong organisasyon.

Ito ang paglilinaw ng PNP na pinamumunuan ni Gen Nicolas Torre III, matapos maimbitahan ng Public Community Affairs and Development Group (PCADG) ang fitness vlogger na si Rendon Labrador para sa 93 weight loss challenge sa naturang yunit.

Sa naging memo na inilabas ni PNP Directorate for Police Community Relations Director PMGen. Roderick Augustus Alba, ang naturang physical activity nitong nakaraang Huwebes, 19 Hunyo ay insyatibo lamang ng PCADG at ng mismong mga miyembro ng yunit na kabilang dito.

Batay sa memorandum, inatasan ang mga pulis na tigilan ang pagbabahagi ng mga misleading contents dahil wala namang naging utos ang hepe na kumuha ng fitness instructor para pangunahan ang kahit anong physical activities o trainings.

Ito aniya ay para maiwasan ang paglaganap ng mga maling impormasyon na maaring maging rason ng pagkalito ng publiko.

Samantala, nauna rito ay walang naging personal na kaalaman si PNP Spokesperson P/BGen. Jean Fajardo hinggil sa pagiging fitness coach ni Labrador sa PNP. (ALMAR DANGUILAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Almar Danguilan

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …