Saturday , March 14 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sylvia Sanchez

Sylvia sinimulan na MMFF 2025 entry, I’m Perfect 

RATED R
ni Rommel Gonzales

HINDI pakialamerang ina at biyenan si Sylvia Sanchez, kaya hindi siya nanghihimasok kung hindi muna nagkaka-anak sina Arjo Atayde at misis nitong si Maine Mendoza.

“Pinababayaan ko ‘yung dalawa. Wala pa, eh.

“Hindi ko kinakausap kasi gusto nila ngayon i-enjoy muna nila ‘yung buhay nila.

“Like si Arjo, ang sabi niya, ‘Mom, ayusin ko muna ‘yung dapat kong ayusin, at saka kami mag-anak.’ ‘Okay bahala kayo.’

“So, hindi na namin pinag-usapan. 

“Huwag muna sa ngayon. Pero hindi ko alam kung kailan.

“Basta sinasabi nila, two years, two years, eh, ‘di next year mayroon na. Hopefully, ‘di ba?

“Basta ibinigay ko sa kanila ‘yun.”

Busy din naman kasing masyasdo sina Arjo sa kani-kanilang respective careers. Si Arjo ay muling nahalal na Congressman ng 1stt District ng Quezon City at si Maine naman ay busy sa hosting niya sa Eat Bulaga! at mga product endorsement.

At habang wala pang baby sina Arjo at Maine, focused si Sylvia sa una niyang apong si Sabino, anak nina Ria Atayde at Zanjoe Marudo.

Sa pagsa-shopping nga niya para kay Sabino, pansamantalang nakalimutan niya na may anak pa siyang bunso na kailangan din niyang ipamili, ang binatilyong si Xavi.

“‘Yung pagpunta ko ngayon ng Europe, Doha, sa Qatar pa lang ha, sabi ko, ‘Maganda ito kay Sabino.’

“Tapos sabi ko, ‘Ay, nakalimutan ko may bunso pa pala ako, si Xavi.’ Ganoon. Ha! Ha! Ha!

“Sabi nga nila, mas maraming pasalubong ngayon si Sabino.

“Kaya sabi ko kay Zanjoe at kay Ria, ‘Humanda kayo ‘pag naglakad ‘yan.

“Huwag kayong maniniwala ‘pag sinabi niyong bawal tsokolate, huwag kayong maniwala sa akin ‘pag sinabi kong hindi ko pinakain ng tsokolate.’

Pero siyempre, hindi naman OA. Ganoon naman ang mga lola, eh.

“‘Pag sinasabi nila, ‘Naku, OA naman itong lolang ito, hindi sumusunod sa magulang.’

“Sino bang mga lola at lolo na hindi sumusunod sa mga magulang na ‘pag bawal… eh, lalo na ‘pag iiyakan ka ng apo mo, ‘di ba? Sa totoo lang, real talk.”

Una at nag-iisang apo nga nina Sylvia at mister niyang Art Atayde si Sabino kaya expected na spoiled ang bata hindi lamang mula sa mga magulang kundi higit sa lola at lolo.

Samantala, bilang producer naman ng Nathan Studios, aligaga sina Sylvia at Ria dahil gumigiling na ang kamera para sa I’m Perfect na ididirehe ni Sigrid Andrea Bernardo na para sa, kung papalaring mapili, Metro Manila Film Festival 2025 sa Disyembre.

Kasama sa cast sina Sylvia, Janice de Belen, Joey Marquez, at Lorna Tolentino. Promise, naiiba ang kuwento ng pelikula na tiyak na aantig kahit sa bakal na puso.

At siyempre, hoping sina Sylvia na muling makarampa sa red carpet ng Cannes Film Festival matapos ang experience nila rito nitong May 2025.

Co-producer ni Sylvia si Alemberg Ang sa Japanese film na Renoirna lumaban sa main competition ng Cannes.

Ipalalabas ang Renoir sa mga sinehan sa Japan sa June 20 at dito naman sa Pilipinas ay kasali ito sa QCinema Film Festival 2025 sa November.

May sisimulan na rin ang Nathan Studios soon na isa pang out-of-the ordinary na pelikula, ang Ria.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

The Silent Noise

The Silent Noise Blue Carpet premiere dinumog

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez DINAGSA ang star-studded blue carpet celebrity premiere ng bagong seryeng The Silent …

The Age Is Right Eat Bulaga

The Age Is Right ng Eat Bulaga click sa viewers

WALANG masyadong excitement ang bagong segment ng Eat Bulaga na The Age Is Right nang magsimula. Pero habang tumatagal …

Rabiya Mateo

Rabiya Mateo lalayasan na ang showbiz

I-FLEXni Jun Nardo PLANO na ng beauty queen na si Rabiya Mateo na lumayas na sa …

Cecille Bravo Disco Forever D4E

Negosyanteng si Cecille Bravo may pasabog sa dance concert

MATABILni John Fontanilla IBINAHAGI ng businesswoman, Philanthropist na si Ms Cecille Bravo na pinasok na rin ang …

Jillian Ward Eman Bacosa Pacquiao

Jillian blooming dahil daw kay Eman Bacosa

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa social media ang mga larawang ipinost ng Kapuso …