Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Joee Guilas VS Hotel Convention Center

Santuaryong pangkalusugan pinasinayaan 

RATED R
ni Rommel Gonzales

PINANGUNAHAN ni dating PTV News Anchor at Star Awards Best Male News Caster Joee Guilas ang paglulunsad ng pinakabagong hotel sa Quezon City, ang VS Hotel Convention Center sa EDSA. 

Sa kanyang keynote speech bilang undersecretary ng Strategic Partnerships and Engagements ng Office of the President, tinalakay ni Usec. Joee ang kahalagaan ng pagpapalawak ng relasyon ng isang negosyo sa mga customer para matiyak ang pag-unlad. 

At dahil na rin naging tema ng paglulunsad noong Independence Day ang Creating Lifestyle Experience, binigyang diin din niya ang kahalagaan ng pangangalaga ng ating kalusugan bilang susi sa pagkakaroon ng mas magandang buhay. 

Aniya, “We celebrate Independence Day, our country’s 127th, a moment to honor our freedom as a nation. 

“Let us also commit to pursuing personal independence. We should set ourselves free from sickness, disease, fear, doubt and anything that holds us back from living our best lives.”

Ang bagong pasilidad ay ‘di lamang maituturing na isang maayos na accommodation para sa mga business traveler.  Ito ay masasabi ring isang santuaryong pangkalusugan dahil kompleto ito sa sports and recreation facilities tulad ng basketball, badminton, tennis courts; 24/7 gym; swimming pools; dance studio; cinemas; skin care at spa clinics; at mga restaurant and cafe. Kasama ni Usec. Joee sa pagbubukas ng hotel ang mga opisyal ng kompanya gaya ng pangulo nitong si Gen. Mgr. Mario Isic,Marketing Head, Ralph Torres at iba.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

SM MoA Adidas FIFA

SM Mall of Asia Binuksan ang Kauna-unahang adidas Football Park sa Southeast Asia

PUMASOK ang SM Supermalls sa bagong yugto ng world-class sports destinations sa paglulunsad ng kauna-unahang …

Araneta City

Christmas Happenings in Araneta City (Dec. 18 to 24, 2025)

We are pleased to share with you the list of events and activities in Araneta …

Angelica Panganiban Four Sisters and a Wedding

Angelica bubog ang Four Sisters and a Wedding

SA wakas binigyang linaw na ni Angelica Panganiban ang pelikulang tinanggihan niya noon na hanggang ngayon ay …

MMFF MMDA

MMDA pumagitna pagdaraos ng advance screening ng 8 entries

PUSH NA’YANni Ambet Nabus TAMA naman ang naging solusyon ng MMDA na mangialam sa pagdaraos ng advance …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …