Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Knife Blood

Hinagisan ng butong pakwan
Kelot sinaksak sa ulo ng kainuman

ARESTADO ang isang lalaking nanaksak ng kaniyang kainuman dahil napikon sa pamamato ng huli ng butong pakwan na kasama sa kanilang pulutan sa bayan ng Pantabangan, lalawigan ng Nueva Ecija.

Sa ulat na ipinadala ni P/Col. Ferdinand Germino, provincial director ng Nueva Ecije PPO, kay P/BGen. Jean Fajardo, regional director ng PRO3, naganap ang insidente ng pananaksak sa Brgy. Marikit, sa nabanggit na bayan, nitong Linggo ng madaling araw, 15 Hunyo.

Nabatid na matinding pinsala sa ulo ang inabot ng 30-anyos na magsasakang biktima matapos pagsasaksakin ng 37-anyos na suspek.

Lumalabas sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya na nag-iinuman ang dalawa kasama ang ilang kaibigan nang pabirong hagisan ng biktima ng butong pakwan na noon ay kanilang kinukukot sa inuman ang suspek.

Dahil napahiya sa harapan na nagdulot ng hinanakit, nagalit ang suspek at pinagsasaksak sa ulo ang biktima na kaagad isinugod sa Alfonso Castaneda Health Center.

Sa mabilis na pagresponde sa isinagawang follow-up operation ng mga elemento ng Pantabangan MPS, nadakip ang suspek na nahaharap ngayon sa kasong Frustrated Homicide. (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …