SUGATAN ang isang 3-anyos batang babae matapos mabangga at makaladkad ng isang tricycle sa Brgy. 336, Sta. Cruz, Maynila.
Ayon sa Manila Police District (MPD), bigla na lamang tumawid ang bata sa kalsada sa nasabing insidente.
Dagdag ng pulisya, tinangkang magpreno ng driver ng tricycle ngunit bahagya itong tumagilid kaya natamaan ang biktima saka siya nakaladkad.
Agad dinala ang batang biktima at mga pasahero ng tricycle sa malapit na pagamutan dahil sa mga galos sa kanilang mga braso at mga binti.
Samantala, nanatili ang driver sa pinangyarihan ng insidente upang makipagtulungan sa mga awtoridad at sa pamilya ng biktima.
Kita sa kuha ng CCTV na natamaan rin ang isang nakaparadang SUV sa gilid ng kalsada nang tumagilid ang tricycle.
Napagdesisyonan ng pamilya ng biktima na hindi na magsasampa ng kaso laban sa driver ng tricycle.
Muling pinaalalahanan ng MPD ang mga magulang na bantayang maigi ang kanilang maliliit na anak at iwasang paglaruin sa mga lugar na malapit sa kalsada.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com