Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Dead Road Accident

Sa Makati
MAG-INA PATAY SA TRUCK VS MOTORSIKLO

HINDI nakaligtas sa kamatayan ang isang ina at kaniyang 15-anyos anak na lalaki matapos mabangga ng isang truck ang kanilang sinasakyang motorsiklo sa Brgy. San Antonio, lungsod ng Makati, nitong Sabado, 14 Hunyo.

Kinilala ng Southern Police District (SPD) ang mga biktimang sina alyas Rhecy, 40 anyos, at kaniyang anak na si Jade, 15 anyos.

Ayon sa mga awtoridad, naganap ang insidente dakong 4:30 ng hapon kamakalawa habang parehong binabagtas ng motorsiklo at ng truck ang northbound lane ng Buendia-Osmeña Flyover, mula A. Arnaiz Avenue patungong Zobel Roxas Street.

Nang makarating sa flyover, bumangga ang unahang kanang bahagi ng truck sa kaliwang bahagi ng motorsiklo.

Dahil sa lakas ng impact, nawalan ng kontrol ang mga biktima sa kanilang sinasakyang motorsiklo, dahilan upang mahulog sila sa kasada, saka nagulungan ng likurang bahagi ng truck ang kanilang mga ulo at katawan.

Dahil sa malalang pinsala sa kanilang mga katawan, agad namatay ang mga biktima.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa insidente habang kasalukuyang nasa kustodiya ng Makati CPS ang driver ng truck.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …